Deltasone
Pfizer | Deltasone (Medication)
Desc:
Ang Deltasone /Prednisone ay kasama sa klase ng gamot na kilala bilang kortikosteroyd. Ito ay ginagamit upang gamutin ang kondisyon tulad ng rayuma, sakit sa dugo, problema sa paghinga, matinding alerdyi, sakit sa balat, kanser, problema sa mata, at karamdaman sa sistemang pantabla. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig, na may kasamang pagkain o gatas para maiwasang sikmurain, o ayon sa direksyon ng doktor. Inumin ang tableta kasama ang isang basong tubig liban nalang kung iba ang direksyon ng doktor. ...
Side Effect:
Sabihin kaagad sa doktor kung alin sa mga madalang mangyari ngunit seryosong epekto ang mangyari:pananakit/pamimilipit ng kalamnan, iregular na tibok ng puso, panghihina, pamamaga ng kamay/bukong-bukong/paa, hindi pangkaraniwang pagbigat, senyales ng inpeksyon (tulad ng lagnat, tuloy-tuloy na pamamaga ng lalamunan), problema sa paningin (panlalabo ng paningin), suka na parang kapeng durog, maitim na dumi, matinding sakit ng tiyan. Ang pagduduwal, pagsusuka, kawalan ng ganang kumain, pangangasim ng sikmura, hirap sa pagtulog, pagdalas ng pamamawis, o an-an ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ay tumagal o lumala, sabihin kaagad sa doktor o parmaseutiko. ...
Precaution:
Ang paggamit ng kortikosteroyd na gamot ng pangmatagalan ay maaaring gawing mas mahirap para sa iyong katawan ang magresponde sa pisikal na stress. Ang palagiang pag-inom ng alak habang gumagamit ng gamot na ito ay maaaring magtaas ng panganib para sa pagdurugo ng tiyan. Limitahan ang pag-inom ng alak. Habang buntis, ang gamot na ito ay dapat gamitin kapag kinakailangan lamang. Maaaring maksama ito sa sanggol na nasa sinapupunan. Pag-usapan ang mga panganib at benepisyo kasama ang doktor. ...