Demecarium bromide - ophthalmic solution

Unknown / Multiple | Demecarium bromide - ophthalmic solution (Medication)

Desc:

Ang gamot na ito ay nakapagpapababa ng presyur sa mata. Ito ay ginagamit sa pamamahala ng glawkoma. Ang Demecarium bromide ophthalmic ay ginagamit rin para sa ibang kondisyon na nangangailangan ng mataas na paglabas ng tubig mula sa mata, matapos ang surhikal na iridektomiya, at para rin sa ilang problema sa mata na kaugnay sa pagtulong sa mata (pagpupokus). ...


Side Effect:

Maaaring mapansin mo ang paglabo ng paningin o pagdami ng mga nakalutang sa paningin. Minsan, ang Demecarium bromide ophthalmic ay maaaring magdulot ng paglalayo na kaugnay sa retina. Ito ay maaaring maging sanhi ng mga parteng hindi makita, nakalutang sa tinitingnan, at mabulag ka. Maaaring maranasan mo ang ilan sa mga malalalang epekto, kaya naman pigilan ang paggamit ng Demecarium bromide ophthalmic at humingi ng agarang medikal na tulong:reaksyong alerdyi (kakapusan sa paghinga; pagsasara ng lalamunan; pamamaga ng labi, mukha, o dila); pamimilipit ng tiyan o pagtatae; pagtutubig ng bibig; sobrang pamamawis; hindi mapigilang pag-ihi; panghihina ng kalamnan; hirap sa paghinga; o iregular na tibok ng puso.

Ang mga hindi masyadong malalang epekto ay maaaring mas mangyari tulad ng:parang nasusunog na pakiramdam, pagkirot, pamumula, o pagluluha ng mga mata; pangangalumata; sakit ng ulo o pagsakit ng kilay; o paglabo ng paningin sa hindi maliwanag na ilaw. ...


Precaution:

Kausapin ang iyong doktor tungkol sa iyong kasaysayang medikal, lalo na kung ikaw ay may hika, epilepsi, sakit sa puso, mababa o mataas na presyur sa dugo, mayastenya grabis, sobrang aktibong teroydeo, Parkinsonism, problema sa tiyan, inpeksyon sa lagyanan ng ihi, at iba pang problema sa mata. Iwasang malantad sa mga pamatay-insekto. Ang ilang pamatay-insekto ay maaaring kumontra sa kagalingan ng gamot na ito.

Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin habang nagbubuntis. Sabihin sa doktor kung ikaw ay buntis o may balak na mabuntis habang naggagamot. Hindi pa tiyak kung ang gamot na ito ay naipapasa sa gatas ng ina. Dahil sa potensyal na panganib nito sa sanggol, huwag magpasuso habang gumagamit ng gamot na ito.

...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».