Deop - Sub Q Provera 104

Pfizer | Deop - Sub Q Provera 104 (Medication)

Desc:

Ang Depo-subQ provera 104/ Medroxyprogesteroneacetate injectable suspension 104 mg/0. 65 ml ay isang gamot para sa pagkontrol ng pagbubuntis. Ito rin ay nakatutulong upang magpaginhawa sa sakit na kaugnay sa endometriyosis. ...


Side Effect:

Ang mga sumusunod na salungat na epekto ay naiulat ng higit sa 5% na mga babaeng gumagamit ng Depo-Provera sa isang pag-aaral sa loob ng 7 taon:iregular na regla (pagdurugo o amenoreya, o pareho), sakit sa tiyan, pagbabago ng timbang, pagkahilo, sakit ng ulo, panghihina o pagkapagod, at pagkakaba. Kung alinman sa mga ito ang mangyari matapos maturukan ng Depo-Provera Contraceptive injection, tumawag agad sa mga tagapagbigay ng serbisyong-medikal :matinding sakit ng dibdib, pag-ubo ng dugo, o biglang pagkakapos ng hininga (na nagpapahiwatig ng posibleng pamumuo ng dugo sa baga), biglang pagsakit ng ulo o pagsusuka, pagkahilo o pagkahimatay, problema sa paningin o pananalita, panghihina, o pagmamanhid sa iyong braso o binti (nagpapahiwatig ng posibleng atakeng serebral), matinding sakit o pamamaga ng kalamnan ng binti (nagpapahiwatig ng posibleng pamumuo ng dugo sa binti), hindi pangkaraniwang pagdurugo ng ari, matinding pananakit o panlalambot ng ibabang bahagi ng tiyan, tumatagal na sakit, nana, o pagdurugo sa bahaging tinurukan. ...


Precaution:

Huwag gumamit ng Depo-subQ Provera 104 kung ikaw ay buntis o maaaring mabuntis, kung ikaw ay mayroong hindi maipaliwanag na pagdurugo sa ari, nagkaroon ng kanser sa suso, matinding pamumuo ng dugo, tulad ng pamumuo ng dugo sa binti, baga, puso, o ulo, nagkaroon ng sakit sa atay, o alerdyik sa kahit anong Depo-subQ Provera 104. Huwag gamitin ang Depo-subQ Provera 104 kung ikaw ay mayroon ng kahit anong kondisyon :kung sa palagay mo ikaw ay mabubuntis, may di pangkaraniwang pagdurugo sa ari na hindi alam ang rason, nagkaroon ng kanser sa suso, nastroke, nagkaroon ng pamumuo ng dugo (pamamaga ng ugat) sa iyong binti, problema o sakit sa atay, kung ikaw ay alerdyik sa Medroxyprogesterone acetate o sa iba pang sangkap nito.

Bago resetahan ng Depo-subQ Provera 104, sabihin sa doktor kung ikaw ay mayroon ng alinman sa mga sumusunod :kasaysayan sa pamilya ng kanser sa suso, abnormal na mammogram (X-ray ng suso), sakit na paybrosistik na suso, mga bukol sa suso, o pagdurugo ng utong, sakit sa bato, iregular o kakarampot na regla, altapresyon, sobrang sakit ng ulo, hika, epilepsi (kombulsyon o sumpong), diyabetes o kasaysayan sa pamilya ng diyabetes, historya ng depresyon, kung ikaw ay umiinom ng gamot na may reseta o wala. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».