Depen
Meda Pharmaceuticals | Depen (Medication)
Desc:
Ang Depen/ Penicillamine ay ginagamit upang gamutin ang matinding rayuma na hindi na nagriresponde sa ibang gamot, Wilson na sakit (isang kondisyon na kung saan ang mataas na lebel ng tanso ay nakapipinsala sa atay, utak, at iba pang organo), at ng isang sakit na nagdudulot ng bato sa bato na kung tawagin ay sistinurya. Ang gamot na ito ay iniinom ng walang laman ang tiyan, 1 oras bago o 2 oras pagkatapos kumain, ayon sa direksyon ng doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon ng iyong katawan sa gamot. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwang epekto ng gamot na ito ay:sakit ng tiyan, pagduduwal/ pagsusuka, kawalan ng ganang kumain, pagtatae at kawalan ng panlasa. Kung alinman dito ang tumagal o lumala, tumawag sa doktor. Kung mapansin mo ang alinman sa mga sumusunod na epekto, humingi agad ng tulong-medikal :reaksyong alerdyi- pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha; maitim na dumi; pagdurugo o pagpapasa; dugo sa ihi; parang nasusunog na pakiramdam, pangangati, pamamalat, o pamumula ng balat; pagbabago sa panlasa; ginaw; ubo; madilim na kulay ng ihi; hirap sa pag-ihi; lagnat; hindi kaginhawan; pagsakit ng kasu-kasuan; panghihina ng kalamnan; matinding sakit ng tiyan; pagkakapos ng hininga; sugat sa balat; pamamaga ng lalamunan; pamamaga ng mga paa o binti; problema sa paningin; pagdagdag ng timbang; o pagbahing.
...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot, sabihin muna sa doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerdye. Sabihin rin kung ikaw ay umiinom ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:goodpasture na sindom, mayastenya grabis, sakit sa bato, aplastik anemya, o pababa sa mga pleytlet ng dugo o puting selula ng dugo.
Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...