Desmopressin

Sanofi-Aventis | Desmopressin (Medication)

Desc:

Ang Desmopressin ay isang hormon na gawa ng tao na natural na lumalabas sa glandula ng pitiyuwitari. Ang hormon na ito ay mahalaga para sa madaming gawain tulad ng pagdaloy ng dugo, presyur ng dugo, gawain ng bato, at pagriregula sa kung paano ginagamit ng katawan ang tubig. Ang Desmopressin ay ginagamit bilang panggamot sa pag-ihi sa kama tuwing gabi, sentrong cranial diabetes insipidus, at madalas na pagkauhaw at pag-ihi dulot ng operasyon o pinsala sa ulo. Ang Desmopressin ay ginagamit ring pangkontrol sa pag-ihi sa kama ng mga bata sa gabi. Binabawasan nito ang pag-ihi ng bata at bilang ng pag-ihi sa kama tuwing gabi. ...


Side Effect:

Mayroong ilang epektong maaaring mangyari matapos inumin ang gamot tulad ng:pagsakit ng ulo, pagduduwal, pag-iiba ng tiyan, o pamumula ng mukha. Kung alin man sa mga uto ang tumagal o lumala, sabihin agad sa doktor o parmaseutiko. Maraming taong gumagamit ng gamot na ito ang walang seryosong epekto. Ang Desmopressin ay pwedeng magdulot ng mababang lebel ng sosa sa balat kung minsan, na maaaring maging seryoso at maging banta sa buhay. Ang pag-inom ng sobrang tubig at iba pang likido ay maaaring magpataas ng panganib ng pagkakaroon ng mababang lebel ng sosa sa dugo. Kaya naman, sundin ang direksyon ng doktor tungkol sa paglilimita ng pag-inom.

Humingi ng agarang tulong-medikal kung ikaw ay mayroong nitong mga madaling mangyari ngunit seryosong sintomas ng mababang lebel ng sosa sa dugo:kawalan ng ganang kumain, matinding pagduduwal, pagsusuka, matinding sakit ng ulo, panghihina/pamimilipit/pamumulikat ng kalamnan, biglang pagbigat, hindi pangkaraniwang pagkapagod, hindi pangkaraniwang matinding pagkaantok, pagbabago sa pag-iisip/kalooban (tulad ng pagkalito, halusinasyon, iritasyon), pagkawala ng malay, sumpong, mabagal na paghinga. Ang malubhang reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi agad ng medikal na atensyon kapag ikaw ay nakaranas ng alinman sa mga sintomas ng seryosong reaksyong alerdyik na maaaring kasama ang :pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Sobrang halaga ng pagbabawas ng iniinom na tubig at iba pang likido habang umiinom ng Desmopressin. Ang pag-inom ng sobrang tubig ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng sosa sa katawan, na maaaring magdulot ng seryoso, nakamamatay na imbalanse sa elektrolayt. Ang restriksyon sa tubig ay napakahalaga lalo na sa mga bata at matatandang adulto na umiinom ng Desmopressin. Sundin ang direksyon ng doktor tungkol sa uri at dami ng likido na iinumin.

Hindi mo dapat inumin ang gamot na ito kung ikaw ay may malubhang sakit sa bato o kung ikaw ay nagkaroon ng haypoantremya (mababang lebel ng sosa sa katawan). Bago uminom ng Desmopressin, sabihin sa doktor kung ikaw ay may sakit sa puso, sakit sa ugat sa puso, kondyestib na pagpapalya ng puso, sakit sa bato, sistik na paybrosis, mababa o mataas na presyon ng dugo, imbalanse sa elektrolayt, o sakit sa pag-iisip na nagdudulot ng matindi at di pangkaraniwang pagkauhaw. Para masigurong ang Desmopressin ay tumutulong sa iyong kondisyon, maaaring ipaeksamin ang iyong dugo ng madalas. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».