Desyrel
Bristol-Myers Squibb | Desyrel (Medication)
Desc:
Ang Desyrel/Trazodone ay isang gamot na panlaban sa depresyon. Inaapektuhan nito ang mga kemikal sa utak na hindi naging balanse at nagdudulot ng depresyon. Ito ay ginagamit na panggamot sa depresyon. Maraming eksperto ang naniniwala na ang imbalanse sa neurotransmitters ang sanhi ng depresyon. Ngunit ang eksaktong mekanismo ng aksyon ng Desyrel/ Trazodone ay hindi tiyak, pinapabuti nito ang mga sintomas ng depresyon sa pagbabawal sa pagtalino ng nga serotonin sa mga nerbs sa utak. Nagriresulta ito sa mas madaming serotonin para pasiglahin ang ibang nerbs. ...
Side Effect:
Ang mga pinakakaraniwang epektong kaugnay sa Trazodone ay ang pagduduwal, pagkahilo, insomnia, pagkagulo, pagkapagod, tuyong bibig, hindi makadumi, pagkahilo, sakit ng ulo, pagbaba ng presyon, paglabo ng paningin, at pagkalito.
Ang Priapism (kasama ang klitoral na priapism sa mga babae), ay isang masakit na kondisyon kung saan ang ari ng lalaki (o klitoris) ay nanatiling nakatayo sa matagal na panahon, ay naiulat sa ilang pasyenteng tumanggap ng ng Desyrel/Trazodone. Ang priapism ay minsang nagriresulta sa permanenteng pagpapahina ng kakayanang tumayo o pagkainutil. Ang mga pasyente ay dapat balaan tungkol sa posibilidad ng priapism at sabihan na itigil ang gamot at kumonsulta sa doktor kung ang reaksyon na ito ay mangyari. Ang Desyrel/ Trazodone ay maaari ring makaapekto sa edyakulasyon, kasukdulan sa pakikipagtalik at libog.
Ang mga panlaban sa depresyon ay nagpapataas ng panganib sa pag-iisip at aksyon ng pagpapakamatay sa ilang mga maiikling pag-aaral sa mga bata at kabataan na may depresyon at iba pang sakit sa pag-iisip. Ang sinumang tinataya ang paggamit ng Trazodone ay kailangang balansehin ang panganib at pangangailang pang-klinika. Ang mga pasyenteng nagsimula na sa terapiya ay kinakailangang obserbahan para sa paglala, pagpapakamatay, o hindi pangkaraniwang pagbabago sa aksyon. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Desyrel/ Trazodone, sabihin sa doktor kung ikaw ba ay mayroong diperensyang baypolar (manik na depresyon ), sakit sa puso o Long QT na sindrom, sakit sa atay o bato, kasaysayan ng pang-aabuso sa droga o pag-iisip ng pagpapakamatay, o kung ikaw ay nagkaroon ng atake sa puso kamakailan lamang. Ang Desyrel /Tranzodonde ay maaaring makapinsala sa iyong pag-iisip o reaksyon. Mag-ingat sa pagmamaneho o paggawa ng kahit ano na nangangailangan ng alerto. Itigil ang paggagamot na ito at tumawag sa doktor kung ikaw ay may ereksyon na masakit o tumatagal ng 6 na oras o mas matagal pa. Ang pangyayaring ito ay maaaring magdulot ng seryosong kondisyon na kailangang itama sa operasyon.
Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...