Detrol
Pfizer | Detrol (Medication)
Desc:
Ang Detrol/ Tolterodine Tartrate na kapsula ay isang pinipreskribang gamot para sa paggagamot ng sintomas ng masyadong aktibong pantog - tumatagas, malakas na biglaang pag-ihi, at madalas na pag-ihi. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwang epekto ng Detrol ay ang tuyong bibig, hindi makadumi, sakit ng ulo, at tiyan. Ang mga ulat ng malalang sintomas ng demensya (halimbawa :pagkalito, pagkataranta, delusyon) ay naiulat matapos ang paggamit ng Tolterodine na terapiya sa mga pasyenteng gumagamit ng cholinesterase inhibitors para sa paggagamot ng demensya. Ang iba pang epekto ay:anaphylaxis at angioedema; abnormal na mabilis na puso, palpitasyon, periperal na edema; pagtatae; pagkalito, pagkataranta, panghihina ng memorya, halusinasyon. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Detrol, sabihin sa tagapagbigay ng serbisyong-medikal kung ikaw ay may problema sa tiyan, glawkoma, o hindi pwedeng walang laman ang iyong pantog. Ang Detrol ay pwedeng magdulot ng mga reaksyong alerdyi na maaaring maging seryoso. Ang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyik ay pamamaga ng mukha, labi, lalamunan, o dila. Ang gamot na tulad ng Detrol ay pwedeng magdulot ng malabong paningin, pagkahilo o pagkaantok. Mag-ingat habang nagmamaneho o gumagawa ng ibang mapanganib na aktibidad. Habang buntis, ang gamot na ito ay dapat gamitin kapag kinakailangan lamang. Pag-usapan ang mga panganib at benepisyo kasama ang doktor. Hindi pa tiyak kung ang gamot na ito ay naipapasa sa gatas ng ina. ...