Detrol LA

Pfizer | Detrol LA (Medication)

Desc:

Ang Detrol LA/ Tolterodine ay kasama sa klase ng gamot na kung tawagin ay cholinergic (acetylcholine) receptor blocker. Ginagamit itong panggamot sa mga sakit ng pantog na nakakaapekto sa pag-ihi. Ang pantog ay isang bag ng kalamnan. Ang ihi na mula sa bato ay pinupuno ang pantog at ito ang dahilan upang lumaki ito tulad ng lobo. Habang ito ay lumalaki, ang presyur sa pantog ay tumataas at, kapag narating na ng pantog ang isang lebel ng pagka-inat, nararamdaman ng kagustuhang umihi.

Ang medikasyon na ito ay ginagamit na panggamot sa sobrang aktibong pantog. Sa pamamagitan ng pagpaparirelaks ng kalamnan ng pantog, ang Tolterodine ay nagpapabuti ng iyong abilidad na kontrolin ang iyong pag-ihi. Nakatutulong itong bawasan ang pagtagas ng ihi, pakiramdam ng pangangailang umihi agad, at madalas na pagpunta sa banyo. Ang gamot na ito ay kasama sa klase ng gamot na kilala bilang antispasmodics. ...


Side Effect:

Ang mga epekto ay:sakit sa dibdib, mabilis o hindi pantay na pagtibok ng puso; pagkakapos ng hininga, kahit ng may katamtamang paghinga; pamamaga, mabilis na pagbigat; pagkalito, halusinasyon; pag-ihi ng mas kaunti kaysa sa karaniwan o hindi talaga; o masakit. Ang tuyong bibig, tuyong mata, sakit ng ulo, hindi pagdumi, pag-iiba/sakit ng tiyan, pagkahilo, pagkaantok, pagkapagod, o panlalabo ng mata ay maaari ring mangyari.

Para maginawahan, sumipsip ng kendi (na walang asukal) o yelo, ngumuya ng gam (na walang asukal) o gumamit ng pamalit na laway. Para maiwasan ang hindi makadumi, panatilihin ang tamang diyeta ng payber, uminom ng madaming tubig, at mag-ehersisyo. Sabihin agad sa doktor kung alin man sa mga madaling mangyari ngunit seryosong epekto ang mangyari:pagbabago ng paningin, matinding sakit ng tiyan, hirap sa pag-ihi, senyales ng inpeksyon sa bato (parang nasusunog na pakiramdam/masakit na pag-ihi, sakit sa ibabahang bahagi ng likod, lagnat). ...


Precaution:

Bago gamitin ang Detrol LA/Tolterodine, sabihin muna sa doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerdye. Bago gamitin ang gamot, kumonsulta sa doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong:problema sa pagpapawala ng laman ng pantog (retensyon sa ihi), matinding bara sa tiyan/bituka (gastrik retensyon), kondisyon sa mata (uncontrolled narrow-angle na glawkoma). Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».