Dezocine - injection
Pharma Nord | Dezocine - injection (Medication)
Desc:
Ang gamot na ito ay isang narkotikong pampaginhawa ng sakit na ginagamit na panggamot sa katamtaman hanggang malalang sakit. Ang Dezocine ay isang analhesikang opioid na kaugnay sa pentazocine, na may katulad na propolyo sa mga epekto tulad ng analhesikang aksyon at yuporya sa mababang dosis, ngunit nagpuprodyus ng disporya at halusinasyin sa mataas na dosis, malamang dahil sa aksyon sa mga reseptor na opioid. Ang gamot na ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng pagturok sa kalamnan o ugat. Ito rin ay ginagamit sa mas matagal na oras sa matataas na dosis, huwag biglaang ihinto ang paggamit nito ng hindi muna kumukonsulta sa iyong doktor. Kung gagamitin sa pinalawig na panahon, ang gamit na ito ay maaaring hindi rin gumana at maaaring kinakailangang nasa ibang dosis, Kunsultahin ang iyong doktor kung ang gamot ay hindi mainam na nagpapaginhawa ng sakit. ...
Side Effect:
Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagduduwal, pagsusuka, tuyong bibig, pamamawis, pamumula, pananakit, pagkauhaw, pangangati, iritasyon sa pinagturukan o pagkahilo. Kung ang mga sintomas na ito ay tumagal o lumala, sabihin agad sa doktor. Ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay magkaroon ng: mabagal na paghinga, sakit sa dibdib, iregular na tibok ng puso, pagkabalisa, pagkalito. Ang mga sintomas ng pagkasobra sa dosis ay may kasamang malamig at mamasa-masa ng balat, pagkalito, pagkakaba, o matinding walang kapahingahan, kombulsyon (sumpong), malubhang pagkahilo, malubhang pagkaantok, mababang presyon ng dugo,maliit na balintataw ng mata, mabagal na tibok ng puso, mabagal o hirap sa paghinga at matinding panghihina.
...
Precaution:
Sabihin sa doktor kung ikaw ay may kasaysayang medikal, lalo ng problema sa bato, sakit sa atay, sakit sa baga, hika, problema sa pag-ihi, sakit sa utak, sakit sa pantog, kamakailan lamang na aksidente sa ulo, alerhiya (lalo na ng alerhiya sa gamot). Mag-ingat habang ginagawa ang mga gawaing nangangailan ng agap tulad ng pagmamaneho o paggamit ng makinarya. Ang mga alak ay maaari ring dumagdag sa paghilo/ pagkaantok na epekto ng gamot. ...