Diclofenac
Panacea Biotec Ltd | Diclofenac (Medication)
Desc:
Ang diclofenac ay kasama sa isang klase ng gamot na tinatawag na non-steroidal anti-flammatory (NSAIDs) na ginagamit na panggamot ng malumanay hanggang katamtamang sakit, lagnat, at implamsyon. Ang diclofenac ay ginagamit na panggamot sa sakit o implamasyon na dulot ng rayuma o ankylosing spondylitis. Ang diclofenac ay dapat gamitin ng eksaktong gaya ng sabi ng tagapagbigay ng serbisyong medikal na dinirekta para sa iyong kondisyon.
...
Side Effect:
Kasama ng ibang kinakailangang epekto, ay maaaring magdulot ng matinding epekto tulad ng:reaksyong alerdyi – pamamantal, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pamamantal; sakit sa dibdib, panghihina, pagkakapos ng hininga, paputol-putol na pananalita, problema sa paningin o balanse; itim, madugo, o mahirap lumabas na dumi; umuubo ng dugo o nagsusuka na parang kapeng durog; pamamaga o mabilis na pagbigat, pag-ihi ng mas kaunti kaysa sa normal o wala; pagduduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalan ng ganang kumain, madilim na kulay ng ihi, kulay-putik na dumi, paninilaw ng balat; lagnat, pamamaga ng lalamunan, at sakit ng ulo na may kasamang paltos, pamamalat, at mapulang papamantal; pamamasa, matinding pagtusok-tusok, pagkamanhid, sakit, panghihina ng kalamnan; o pagtigas ng leeg, ginaw, mataas na sensitibidad sa liwanag, kulay ubeng sa balat, at/o sumpong. Kung ikaw ay may mapansing kahit ano dito, humingi ng agarang tulong medikal. Ang mga hindi masyadong epekto ay may kasamang:pag-iiba ng tiyan, katamtamang pangangasim o sakit ng sikmura, pagtatae, konstipasyon, pamamaga, gas; pagkahilo, sakit ng ulo, pagkakaba; pangangati ng balat o pamamantal; malabong paningin; o pagtining sa tainga. Kahit hindi masyadong seryoso, kung alinman sa mga ito lumala o tumagal, tumawag sa iyong doktor.
...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong anumang uri ng alerhiya. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:kasaysayan ng atake sa puso, atakeng serebral, o pamumuo ng dugo; sakit sa puso, kondyestib na pagpapalya ng puso, altapresyon; kasaysayan ng ulser o pagdurugo sa tiyan; sakit sa atay o bato, hika; polips sa ilong; pagdurugo o pamumuo ng dugo na karamdaman; o kung ikaw ay naninigarilyo. Dahil ang diclofenac ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...