Didronel
Procter & Gamble | Didronel (Medication)
Desc:
Ang Didronel ay may lamang aktibong substansyang tinatawag na etidroneyt, na nasa isang grupo ng mga gamot na tinatawag na bayposponeyt. Ito ay ginagamit na panggamot sa sakit na Paget at upang gamutin ang iregular na paglaki ng buto dahil sa bali sa balakang o pinsala sa panggulugod na kord. Ang gamot na ito ay maaari ring gamitin upang gamutin ang ostiyoporosis sa mga pasyenteng may mahabang panahon ng paggagamot ng mga medikasyong korkosteroyd (tulad ng prednisone). Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig, na may kasamang isang baso ng tubig sa walang lamang tiyan, ng 2 oras bago o 2 oras matapos ang pagkain, karaniwan ay isang beses sa isang araw o ayon sa dinirekta ng doktor.
...
Side Effect:
Ang mga salungat na reakyon ay tulad ng katamtamang pagtatae; sakit ng ulo, pagkahilo; pagduduwal; o pamamanhid o nakakikiliting pakiramdam ay maaaring mangyari. Kung alinman dito ang tumagal o lumala, tumawag agad sa iyong doktor. Kasama sa mga higit na seryosong epekto ay ang:reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; matinding sakit sa kasu-kasuan, buto, kalamnan; sakit ng panga, pamamanhid, o pamamaga; matinding pagtatae; bali sa buto; o mapula, nagpapaltos, namamalat na pamamantal ng balat. Kung ikaw ay may mapansin kahit alin dito, o ibang hindi pangkaraniwang sintomas, humingi ng agarang tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:osteomalasya; sakit sa bato; walang kakayanang umupo ng tuwid o tumayo ng kahit 30 minuto; hirap o masakit na paglunok; problema sa lalamunan; problema sa tiyan o bituka tulad ng pangangasim ng sikmura, ulser o kolaitis; mababang lebel ng kaltsyum sa dugo; o pagtatae. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...