Dienestrol - vaginal cream

Sanofi-Aventis | Dienestrol - vaginal cream (Medication)

Desc:

Ang Dienestrol ay ginagamot ang pagkatuyo at iritasyon sa ari ng babae na dulot ng menopos. Ang Dienestrol ay isang estrodyeng gawa ng tao (hormong pambabae). Ito ay ginagamit upang mabawasan ang mga sintomas ng menopos. ...


Side Effect:

Ang iritasyon sa ari ng babae, pagkahilo, sakit ng ulo, pag-iba ng tiyan, pamamaga, pagduduwal, pagbabago sa timbang, pagtaas/pagbawas ng interes sa seks, at paglambot ng suso ay maaaring maganap. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin agad sa doktor o parmaseutiko. Sabihin sa doktor kung ikaw ay mayroong ng madalang mangyari ngunit seryosong epektong:pagbabago sa kaisipan/ asal ( halimbawa:matinding depresyon, pagkawala ng memorya), sakit/ pamamaga ng kalamnan ng binti, biglang matinding sakit ng ulo, sakit ng dibdib, hirap sa paghinga, isang parting masakit, paputol-putol na pananalita, pagbabago sa paningin (halimbawa:pagbabago ng sukat ng lenteng kontak, pagkawala ng paningi), bukol sa suso, pamamaga ng kamay o paa, pagbabago sa pagdurugo sa ari ng babae (halimbawa, patuldok-tuldok, bigla o matagal na pagdurugo), hindi pangkaraniwang diskarga/ pangangati/ amoy sa ari ng babae, paninilaw ng mata o balat. Ang reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay hindi malamang mangyari, ngunit humingi ng agarang medikal na atensyon kung ito ay mangyari. Ang mga sintomas ng reaskyong alerdi ay may kasamang:pamamatnal, pangangati, pamamaga, matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay nagkaroon ng hindipangkaraniwan o reaksyong alerdyi sa mga gamot na nasa grupong ito o sa iba pang gamot. Sabihin rin sa iyong doktor kung ikaw may ibang uri ng alerdyi, tulad ng sa pangkulay sa pagkain, preserbatibo, o hayop. Para sa mga hindi pinreskribong produkto, basahin ang pabalat o sangkap ng mabuti. Ang estrodyen na krim na para sa ari ng babae ay hindi para sa mga bata. Ang mga matatandang babae na may edad na higit sa 65 ay maaaring may mataas na panganib sa ilang epekto habang naggagamot, lalo na sa atakeng serebral, nagsasalakay na kanser sa suso, at problema sa memorya. Ang estrodyen ay hindi dapat gamitin habang buntis, dahil ang estrodyen ay tinatawag na diethylstilbestrol (DES) na hindi na ginagamit pampalit sa hormon na nagsasanhi ng seryosong kapanganakang depekto sa mga tao. Ang paggamit ng mga gamot na ito hindi inirirekomenda sa maga nanay na nag-aaalaga ng bata. Ang estrodyen ay naipapasa sa gatas ng ina at maaaring magpababa ng dami at kalidad ng gatas. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».