Difenoxin with atropine sulfate - oral
Valeant Pharmaceuticals International | Difenoxin with atropine sulfate - oral (Medication)
Desc:
Ang Difenoxin na may atropine ay isang ahente na ginagamit bilang haydroklorayd na asin dahil sa antiperistatik na aksyon nito sa paggagamot ng pagtatae. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig, karaniwan ay matapos ang maluwag na dumi, o kada 3 o 4 na oras depende sa pangangailang o sa dinirekta ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa terapiya.
...
Side Effect:
Pagkaantok, pagkahilo, sakit ng ulo, pagkapagod, malabong paningin, tuyong bibig, at kawalang ganang kumain ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, agarang sabihin sa iyong doktor. Sabihin agad sa iyong doktor kung alin sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang mangyari:sakit ng tiyan/sikmura o pamamaga, matinding pagduduwal, pagsusuka, pagbabago sa kaisipan/kalooban (halimbawa, pagkalito, depresyon), pamamanhid/pagtusok-tusok sa mga braso/binti. Ang napakaseryosong epekto sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay may mapansing kahit anong sintomas ng reaksyong alerdyi, kasama ang:pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalaluna), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga.
...
Precaution:
Bago inumin ang difenoxin na may atropine, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang alinman sa dalawa; o kung ikaw ay may ibang alerdyi. Ang produktong ito ay maaaring may lamang inaktibong mga sangkap, na pwedeng magdulot ng mga reakyong alerdyi o ibang problema. Kausapin ang iyong parmaseutiko para sa iba pang detalye. Ang medikasyong ito ay hindi dapat na gamitin kung ikaw ay may ilang kondisyong medikal. Bago gamitin ang gamot na ito, konsultahin ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong:sakit sa atay (halimbawa, obstraktib na paninilaw, sirosis), pagtatae na dulot ng ilang uri ng inpeksyon (Clostridium difficile-associated diarrhea kasunod ng kamakailan lamang na antibiyutikong terapiya, inpeksyong bakteryal sa tiyan na dulot ng E. coli, Salmonella, Shigella).
...