Diflucan
Pfizer | Diflucan (Medication)
Desc:
Ang Diflucan/fluconazole ay isang antibiyutikong panlaban sa halamang-singaw. Ang Diflucan ginagamit na panggamot sa mga inpeksyong dulot ng halamang-singaw, na pwedeng manghimasok sa kahit anong parte ng iyong katawan kasama ang bibig, lalamunan, lagukan, baga, pantog, ari, at dugo. Ang Diflucan ay ginagamit ring pampigil sa mga taong may inpeksyong dulot ng halamang-singaw na mayroong mahinang sistemang pangtabla na dulot ng paggagamot ng kanser, paglilipat ng utak sa buto, o sakit tulad ng AIDS. ...
Side Effect:
Ang pagduduwal, pagsusuka, pag-iiba/sakit ng tiyan, sakit ng ulo, pagkahilo,o paglalagas ng buhok ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin agad sa iyong doktor o parmaseutiko. Kumuha ng agarang tulong medikal kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang maganap:mabilis/iregular na tibok ng puso, matinding pagkahilo, pagkahimatay. Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng madalang ngunit seryosong sakit sa atay. kumuha ng agarang tulong medikal kung may mga senyales ng sakit sa atay na mabuo, kasama ang:matinding sakit ng tiyan/sikmura, patuloy na pagduduwal/pagsusuka, paninilaw ng mga mata/balat, madilim na kulay na ihi, hindi pangkaraniwang pagkapagod. ...
Precaution:
Huwag gamitin ang Diflucan kung ikaw ay hindi hiyang sa fluconazole. Bago gamitin ang Diflucan, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong sakit sa atay, sakit sa bato, karamdaman sa ritmo ng puso, mahabang kasaysayan ng sindrom na Long QT. inumin ang Diflucan sa buong pinreskribang panahon. Ang mga sintomas mo ay maaaring bumuti bago ang inpeksyon ay mawala. Ang paglaktaw rin ng dosis ay magpapataas sa panganib mo sa mga susunod na inpeksyon na di na tintablan ng medikasyong kontra sa halamang-singaw. Ang Diflucan ay hindi magpapagaling sa inpeksyong dulot ng mikrobyo tulad ng pangkaraniwang sipon o trangkaso. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor.
...