Digestive aids - oral
Unknown / Multiple | Digestive aids - oral (Medication)
Desc:
Ang Digestive aids ay ginagamit upang gamutin ang mga sintomas ng hindi natunawan katulad ng pamamaga, gas, at hindi komportableng pakiramdam ng pagkabusog. Ang mga ensaym na pagtunaw ay mga natural na substansya na kinakailangan ng katawan upang madurog matunaw ang pagkain. Habang tumatanda ang mga tao, minsan ang mga pankreya ay hindi na naglalabas ng sapat na ensaym na patunaw sa tiyan upang matunaw ang pagkain. Ang medikasyong ito ay nagdadagdag ng mas maraming natural na ensaym na pantunaw.
...
Side Effect:
Ang pagtatae, sakit/ pamimilipit ng tiyan, tuyong bibig, malabong paningin, lumaking balintataw sa mata, sakit ng ulo, konstipasyon, pagkaantok, pagkahilo, pagbawas ng pamamawis, pagduduwal, o pagsusuka ay maaaring mangyari. Kung alinmang epekto dito ang tumagal o lumala, sabihin agad sa doktor o parmaseutiko. Sabihin agad sa iyong doktor kung alin sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang maganap:hirap sa pag-ihi, hirap sa pagtulog, pagbaba ng pansekswal na abilidad, pagbabago sa pag-iisip/kalooban (halimbawa, pagkalito, pagkagalak), pamumula/sakit ng mata, mabili/iregular na tibok ng puso. Ang sobrang seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikawa ay may mapansing sintomas ng seryosng reaksyong alerdyi, kasama ang:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga.
...
Precaution:
Tandaan na pinreskriba ang medikasyong ito ng iyong doktor dahil napagpasiyahan niya na mas mataas ang mga benepisyo nito sa iyo kaysa panganib. Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon:sakit sa bato, kolaitis, o problema sa tiyan. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...