Dihydrotachysterol
Unknown / Multiple | Dihydrotachysterol (Medication)
Desc:
Ang Dihydrotachysterol ay isang uri ng bitaming D. Ang bitaminang D ay kailangan ng katawan upang mapanatiling malusog ang buto at ngipin. Tinutulungan rin nito ang iyong katawan na sipsipin at gamitin ng mainam ang kaltsyum upang makatulong sa pagprotekta ng buto at ngipin. Ang Dihydrotachysterol ay ginagamit upang gamutin ang hypocalcemia (kulang sa kaltsyum sa dugo) at hypoparathyroidism (kulang sa hormong parateroydeo sa katawan). ...
Side Effect:
Ang medikasyong ito ay mabuting natitiis. Ngunit, ito ay pwedeng magdulot ng pagduduwal, pagsusuka, kawalang ganang kumain, konstipasyon, pagtatae, sakit ng tiyan, uhaw, panghihina, sakit ng ulo, sakit ng buto, tuyong bibig o pagtaas ng dami ng ihi. Sabihan ang doktor kung ikaw ay makaranas ng alinman sa mga epektong ito habang gumagamit ng gamot na ito. Kung ikaw ay may mapansing ibang epekto na hindi nakalista, kontakin ang iyong doktor o parmaseutiko. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may:nagsisimulang sakit sa puso, sakit sa bato, bato sa bato, sakit sa ugat sa puso (paninigas ng mga arterya). Ang gamot na ito ay dapat lamang gamitin habang buntis kung malinaw na kinakailangan. Pag-usapan ang panganib at benepisyo kasam ang iyong doktor. Hindi tiyak kung naipapasa ang gamot na ito sa gatas ng ina. Konsultahin ang iyong doktor bago magpasuso. ...