Dilacor
Watson Pharmaceuticals | Dilacor (Medication)
Desc:
Ang Dilacor ay panlahatang kilala bilang Diltiazem at tinatawag na pangharang sa tsanel ng kaltsyum. Agn Diltiazem ay ginagamit na panggamot sa altapresyon (mataas na presyon ng dugo), anghina (sakit sa dibdib), at abnormal na ritmo ng puso. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig ng walang pagkain, karaniwan ay isang beses sa iang arawabago mag-umagahan o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong konsisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. ...
Side Effect:
Kasama ng mga kinakailangang epekto, ang Dilacor ay pwedeng magdulot ng matitinding epekto tulad ng:reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; mabagal o mabilis na tibok ng puso; pakiramdam na parang nahihilo; pagkahimatay; lagnat, namamagang lalamunan, at sakit ng ulo na may kasamang matinding pamamamaltos, pamamalat, at mapulang pantal sa balat; kakapusan sa hininga, kahit may kasamang katamtamang ekskresyon; pamamaga, mabilis na pagbigat; o pagduduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalan ng ganang kumain, madilim na kulay ng ihi, kulay-putik na dumi, paninilaw. Kung ikaw ay may mapansing alinman dito, humingi ng agarang tulong medikal. Kasama sa mga hindi masyadong matinding salungat na epekto ay:baradong ilong; pamamantal o pangangati; pagkahilo, sakit ng ulo, pakiramdam na pagod; pagduduwal; o init, kati, pamumula, o parang tusok-tusok na pakiramdam sa ilalim ng balat. Kung alinman dito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor.
...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod na kondisyon:sakit sa atay, sakit sa bato, pagpapalya ng puso, paninikip ng kahit anong parte ng tiyan/bituka. Dahil ang dilacor ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...