Dilantin
Pfizer | Dilantin (Medication)
Desc:
Ang Dilantin/phenytoin ay isang gamot na pangontrang epileptik, na tinatawag ring antikonbulsant. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapabagal sa mga simbuyo sa utak na sanhi ng sumpong. Ang Dilantin ay ginagamit ring pangontrol sa sumpong. Hindi nito ginagamot ang lahat ng uri ng sumpong, at tutukuying ng iyong doktor kung anong tamang medikasyon ang para sa iyo. Ang Phenytoin ay maaaring gumawa s pamamagitan ng pagbabawa sa sensibidad ng mga nerb sa utak sa sobrang istimulasyon at nagbabawas sa transmisyon ng mga simbuyo sa pagitan ng mga nerb. ...
Side Effect:
Maraming salungat na epekto ang pwedeng mangyari habang nasa terapiya ng phenytoin kasama ang pagkahilo, pagkaantok, hirap makapokus (paningin), hindi nakapirming geyt, abnormal na inboluntaryong paggalaw, pagduduwal, pagsusuka, konstipasyon, sakit ng sikmura, at kawalan ng ganang kumain. Ang mga bata ang batang adulto ay pwedeng makabuo ng sobrang paglaki ng mga galagid habang nasa matagal na terapiya na nangangailangan ng regular na paggagamot ng dentista. Ang mga pamamantal ay maaaring maganap sa pagitan ng 1 sa 20 at 1 sa 10 tao; ang ilan ay pwedeng matindi. Isa pa, ang madilim na kulay ng balat ay pwedeng mabuo; hindi pangkaraniwangpagtubo ng buhok sa ilang pasyente. Ang reaksyong ito ay kadalasang nakaapekto sa mga braso at binti ngunit pwede rin sa katawan at mukha; maaring hindi ito mabaligtad. Iba-ibang reaksyon sa mga buko ang naiulat kasama ang terapiyang phenytoin. Ang mga buko ay maaaring mamaga minsan ng masakit. Ang phenytoin ay nagdudulot ng pagtaas ng serum ng glukos (asukal). Kaya naman, ang askual sa dugo ay dapat na obserbahan kapag ang phenytoin ay inilagay na. maaaring masugatan ng phenytoin ang atay kahit na madalang itong mangyari. Pwede ding magdulot ang phenytoin ng pagbaba sa bilang ng pleytlet, puting selula ng dugo, nagpapataas sa panganib ng pagdurugo o inpeksyon. Nagdudulot din anemya ang phenytoin. Dahil sinasalungat nito ang metabolism ng bitaminang D, pwedeng magdulot ng panghihina ng buto (osteomalya) ang phenytoin. Ang phenytoin ay pwedeng magdulot ng pansekswal na problema tulad ng pagbaba ng libog, pagkainutil, at priapismo (masakit, matagal na pagtayo ng ari). ...
Precaution:
Hindi mo dapat gamitin ang Dilantin kung ikaw ay gumagamit rin ng delavirdine (Reskriptor), o kung ikaw ay hindi hiyan sa phenytoin, ethotoin (Peganone), fosphenytoin (Cerebyx), o mephenytoin (Mesantoin). Ang pagkontrol sa sumpong ay napakahalaga habang buntis at ang mga benepisyo ng pagpigil sa sumpong ay dapat na mas mabigat kaysa mga panganib ng Dilantin. Huwag magpapalipas ng kahit isang apoyntment. Iulat ang kahit anong bago o lumalala na mga sintomas sa iyong doktor, tulad ng:pagbabago sa kaisipan/kalooban, depresyon, pagkabalisa, o paakiramdam ng agitasyon, mapanganib, walang kapahingahan, sobrang aktibo (sa isip at pisikal), o kung ikaw ay may kaisipan tungkol sa pagpapakamatay o pananakit ng sarili. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...