Dilaudid

Abbott Laboratories | Dilaudid (Medication)

Desc:

Ang Dilaudid/hydromorphone ay isang opioid na medikasyong para sa sakit. Ang opioid ay minsang tinatawag na narkotiko. Ang Dilaudid ay ginagamit na panggamot sa katamtaman hanggang matinding sakit. ...


Side Effect:

Kasama sa mga epekto ang:mababaw na paghinga, mabagal na tibok ng puso; sumpong (kombulsyon); malamig, basa-basa na balat; pagkalito; pagduduwal, pagsusuka, konstipasyon, pagkahilo, pagkaantok, o pamamawis ay maaaring mangyari. Ang ilan sa mga epekto ay maaaring mabawasan pagkatapos mong gamitin ang medikasyong ito pansamantala. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin kaagad sa iyong doktor o parmaseutiko. Sabihin agad sa iyongdoktor kung mangyari ang alinman sa mga hindi malamng ngunit seryosong epekto:pagbabago sa kaisipan/kalooban (tulad ng agitasyon, pagkalito, halusinasyon), matinding sakit ng tiyan/sikmura, hirap sa pag-ihi, matinding panghihina o pagkahilo; o pagkahimatay. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong kasaysayang medikal, lalo na kung:karamdaman sa utak (halimbawa, pinsala sa ulo, bukol, sumpong, problema sa paghinga (tulad ng hika, sleep apnea, malalang obstruktib na pulmonyang sakit (COPD), sakit sa bato, sakit sa atay, karamdaman sa kaisipan/kalooban (tulad ng pagkalito, depresyon), pansarili o pampamilyang kasaysayan ng paggamit/pang-aabuso sa druga/alak, problema sa tiyan/bituka (tulad ng bara, konstipasyon, pagtatae dahil sa inpeksyon, paralitikong ileus). Ang Dilaudid/hydromophone ay may mataas na panganib sa pang-aabuso at matindi, posibleng nakamamatay, na problema sa paghinga. Ang panganib ay mas mataas kung ikaw ay gagamit ng mas mataas na dosis/lakas, o kung ikaw ay may ginagamit pang ibang gamot na maaari ring makaapetko sa paghinga. Siguraduhing alam mo kung paano gamitin ang hydromophone at ang mga gamot na dapat iwasan. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».