Dimenhydrinate

Sandoz Limited | Dimenhydrinate (Medication)

Desc:

Ang Dimenhydrinate ay ginagamit upang pigilan at gamutin ang pagduduwal, pagsusuka, at pagkahilo na dulot ng sakit sa paggalaw. Ito ay pinakaepektib kung gagamitin upang pigilan ang sakit sa paggalaw kaysa hintayin ang paggamot ng mga sintomas na nagsimula na. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig, 30 minuto hanggang 1 oras bago simulan ang gawaing tulad ng pagbibiyahe. Ang mga nangunguyang tableta ay dapat na nguyaing mabuti bago lunukin. Ang Dimenhydrinate ay isang antihistamin. Hindi tiyak na alam kung paano napatitigil ng Dimenhydrinate ang sakit sa paggalaw. Iniisip na ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagharang ng ilang natural na substansya (asetylkolin) at pinipigilan nito ang mga epekto sa loob ng tainga. Ang Dimenhydrinate ay ginagamit upang pigilan at gamutin ang pagduduwal, pagsusuka, at pagkahilo na dulot ng sakit sa paggalaw. ...


Side Effect:

Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit seryosong epekto ang mangyari: kumakabog/iregular na tibok ng puso, pagtining sa loob ng tainga, sumpong, hirap sa pag-ihi. Ang pagkaantok, pagkahilo, sakit ng ulo, konstipasyon, pag-iiba ng tiyan, pagbabago sa paningin (halimbawa: malabong paningin), iritabilidad, bumabang koordinasyon, o tuyong bibig/ilong/lalamunan/ ay maaaring mangyari. Ang mga epektong ito ay maaaring mabawasan habang nakikiayon ang iyong katawan sa medikasyon. ...


Precaution:

Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo o naaantok o magdulot ng malabong paningin. Huwang magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawain na nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa ikaw ay makasigurong kaya mo ng gawin ang mga aktibidad ng ligtas. Limitahan ang paggamit ng alak at ilang ibang medikasyon na nagdudulot ng pagkaantok. Bago gamitin ang Dimenhydrinate, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ng: problema sa paghinga (halimbawa: hika, empaysema), glawkoma, problema sa puso, altapresyon, sakit sa atay, pagbabago sa kaisipan/kalooban, sumpong, problema sa tiyan (halimbawa: ulser, obstruksyon, sobrang aktibong teroydeo, hirap sa pag-ihi (halimbawa, dahil sa lumaking glandula sa prosteyt). Ang mga preparasyong likido ng produktong ito ay maaaring may lamang asukal at/o alak. Ang pag-iingat ay inaabiso kung ikaw ay may dyabetis, pagdepende sa alak o sakit sa atay. Tanungin ang doktor o parmaseutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng produktong ito. Huwag ibigay ang medikasyong ito sa mga batang may edad na mas mababa kaysa 2 taon maliban nalang kung dinirekta ng iyong doktor. Ang pag-iingat ay inaabiso sa paggamit ng gamot na ito dahil sila ay mas sensitibo sa mga epekto ng antihistamin. Ang gamot na ito ay pwedeng magdulot ng pagkagalak sa mga bata imbes na pagkaantok. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».