Diphenhydramine
McNeil | Diphenhydramine (Medication)
Desc:
Ang Diphenhydramine ay isang antihistamin. Hinaharangan ng Diphenhydramine ang mga epekto ng natural na lumalabas na mga kemikal na hestamin sa katawan. Ang Diphenhydramine ay ginagamit na panggamot sa pagbahing; makating ilong; matubig na mata; pamamantal; pangangati; at iba pang sintomas ng reaksyong alerdyi at karaniwang sipon. Ginagamit rin ang Diphenhydramine na pampigil sa ubo, panggamot sa sakit sa paggalaw, pampatulog, at panggamot sa mga katamtamang porma ng sakit na Parkinson. ...
Side Effect:
Ang Diphenhydramine ay pangkaraniwang pwedeng magdulot ng sedasyon, pagkapagod, pagkaantok, pagkahilo, naabalang koordinasyon, panunuyo at pangangapal ng pambibig at ibang pangrepiratoryong labasan, at distres sa tiyan. Ang Diphenhydramine aya maaari ring magsanhi ng mababang presyon ng dugo, palpitasyon, mataas na bilis ng puso, pagkalito, pagkakaba, iritabilidad, malabong paningin, dobleng paningin, pangangatog, kawalan ng ganang kumain, o pagduduwal. Ang ibang hindi masyadong seryosong epekto ay higit na pwedeng mangyari. Patuloy na gamitin ang Diphenhydramine at sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay nakararanas ng pagkaantok, pagod, o pagkahilo; sakit ng ulo; tuyong bibig; o hirap umihi o lumaking prosteyt. ...
Precaution:
Ang Diphenhydramine ay dapat na gamitin ng may ingat sa mga taong mayroong makitid na angulong glawkoma, prostatik na haypertropiya, kardiobaskular na sakit, altapresyon, at hika. Gumamit ng may ingat habang nagmamaneho, gumagamit ng makinarya, o gumagawa ng ibang mapanganib na gawain. Kung ikaw ay makaranas ng pagkahilo o pagkaantok, iwasan ang mga gawaing ito. Maingat na gumamit ng alak. Ang alak ay maaaring magpataas sa pagkaantok at pagkahilo habang gumagamit ng Diphenhydramine. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...