Diphenoxylate and atropine
Valeant Pharmaceuticals International | Diphenoxylate and atropine (Medication)
Desc:
Ang Diphenoxylate at atropine ay kombinasyong medikasyon na ginagamit na panggamot sa pagtatae. Tumutulong ito sa pagbabawas ng bilang at dami ng paggalaw ng bituka. Ito ay gumagawa ssa pamamagitan ng pagpapabagal sa paggalaw ng bituka. Ito ay hindi dapat gamitin sa mga bata. Ang Diphenoxylate ay may tableta at solusyon (likido) na iniinom gamit ang bibig. Ito ay kadalasang iniinom kung kailangan o hanggang 4 na beses sa isang araw. Sundin ng maingat ang mga direksyon na nasa pabalat.
...
Side Effect:
Kasama sa pinakakaraniwang epektong naital sa mga taong umiinom ng Diphenoxylate ay pagkaantok, sakit ng ulo, pagduduwal o pagsusuka, at tuyong bibig. Ang yuporya, depresyon, letarhiya, walang kapahingahan, pamamanhid ng mga paa at kamay, kawalan ng ganang kumain, at sakit ng sikmura o hindi kaginhawahan ay naiulat ng hindi masyadong madalas. Kahit na ang dosis ng atropine sa Lomotil ay masyadong mababa upang magsanhi ng mga epekto kapag umiinom ng nirekomendang dosis, ang mga epekto ng atropine (kasama ang panunuyo ng balat at membrano ng mukosa, tumaaas na bilis ng puso, retensyong pang-ihi, at tumaas na temperatura ng katawan) ay naiulat, partikular sa mga batang may edad na mas mababa sa 2 at mga batang may sindrom na Down. Ang pankreyataitis at nakalalasong megacolon ay naiulat rin. Ang pagkaantok, pagkahilo, sakit ng ulo, pagkapagod, malabong paningin, tuyong bibig, at kawalan ng ganang kumain ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin agad sa iyong doktor o parmaseutiko. Maraming taong gumagamit nito ang walang seryosong epekto. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang mangyari: sakit o pamamaga ng tiyan/sikmura, matinding pagduduwal, pagsusuka, pagbabago sa kaisipan/kalooban (halimbawa, pagkalito, depresyon), walang kapahingahan, pamamanhid/pagtusok-tusok ng mga braso/hita. Ang napakaseryosong reaksyong alerhiya sa gamot na ito ay madalang. Ngunit humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay may mapansing kahit anong sintomas ng reaksyong alerdyi, kasama ang: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga.
...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, kolaitis, o mga problema sa tiyan. Ang paggamit ng diphenoxylate kasama ang alak o ibang kemikal o medikasyon na pwedeng magpahina ng sentrong sistemang nerbos ay maaaring magsanhi ng sobrang sedasyon. Kasama sa mga gamot na ito ang barbiturates, benzodiazepines, halimbawa, lorazepam, diazepam, temazepam, oxazepam o clonazepam, zolpidem, narkotiko, at traysayklik na antidepressant.
...