Dipivefrin Ophthalmic

Bausch & Lomb | Dipivefrin Ophthalmic (Medication)

Desc:

Ang Ophthlamic dipivefrin ay ginagamit na panggamot sa glawkoma, isang kondisyon na kung saan ang tumaas na presyur sa mata ay maaaring magdulot ng paunti-unting pagkawala ng paningin. Ang dipivefrin ay gumagawa sa pagpapababa ng presyur sa mata. ...


Side Effect:

Tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay may kahit ano sa mga seryosong epekto ito: matinding hapdi o parang nasusunog sa iyong mata; mabilis o hindi pantay na tibok ng puso; o altapresyon (matinding sakit ng ulo, pagtining ng tainga, pagkabalisa, pagkalito, sakit sa dibdib, kakapusan sa paghinga. Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay: parang nasusunog, paghapdi, o pangangati ng iyong mata; malabong paningin; pamumula ng mata o talukap ng mata; pagiging sensitibo sa liwanag; sakit nga mata; o sakit ng ulo. Itigil ang paggamit ng dipivefrin at kumuha ng agarang tulong medikal kung ikaw ay may kahit aling senyales ng reaksyong alerdyi: pamamantal; pamamaga ng mukha, labi, dila, o lalamunan. ...


Precaution:

Hindi mo dapat gamitin ang medikasyong ito kung ikaw ay hindi hiyang sa dipivefrin, o kung ikaw ay may makitid na anggulong glawkoma. Bago gamitin ang dipivefrin, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa kahit anong uri ng gamot, o kung ikaw ay may altapresyon o kasaysayan ng operasyon sa katarata. Huwag gamitin ang medikasyong ito habang ikaw ay may suot na lenteng kontak. Ang medikasyong ito ay maaaring may laman na preserbatibo na maaaring magsipsip ng malambot na lenteng kontak. Maghintay ng kahit na 15 minuto pagkatapos gamitin ang dipivefrin bago ilagay ang iyong mga lenteng kontak. Huwag hahayaang mahawakan ng tagapatak ang kahit anong ibabaw, kasama ang iyong mga mata at kamay. Kung makontamina ang pampatak, ito ay pwedeng magdulot ng inpeksyon sa iyong mata, na maaaring magdulot ng pagkawala ng paningin o seryosong pinsala sa iyong mata. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».