Diprosone

Merck & Co. | Diprosone (Medication)

Desc:

Ang Diprosone ay mayroong lamang aktibong sangkap na betamethasone dipropionate, na isang uri ng gamot na tinatawag na pangkasalukuyang kortikosteroyd. Ang mga kortikosteroyd ay mga gamot na ginagamit upang bawasan ang implamasyon. Ang implamasyon ng balat ay nangyayari bilang resulta ng alerhiya o iritasyon ng balat, at idinulot ng paglabas ng iba-ibang substansya na mahalaga sa sistemang pantabla. Ang mga substansyang ito ay nagsasanhi ng paglawak ng mga ugat at resulta ng iritadong bahagi na nagiging pula, paga, makati at masakit, tulad ng nakikita sa dermataitis o eksema. Ang Diprosone/betamethasone ay gumagawa sa loob ng mga selula upang bawasan ang paglabas ng mga substansyang ito na nagdudulot ng implamasyon. Binabawasan nito ang pamamga, pamumula at kati.

...


Side Effect:

Ang mga pinakakaraniwang kilalang epekto ng Diprosone ay ang pagsusunog ng bahaaging nilagyan, pangangati, iritasyon, at pagkatuyo. Ang pagkasalukuyang aplikasyon ng mga kortikosteroyd ay maaaring magpuksa sa produksyon ng kortisol sa katawan. Kung ang pagpuksa ay ay mangyari sa matagal na panahon, ang paghinto sa matapang na kortikosteroyd ay pwedeng samahan ng mga sintomas ng kakulangan sa kortisol. Ang pagsipsip ng matapang na kortikosteroyd ay pwedeng magpataas sa konsentrasyon ng glukos sa dugo (lalo na nakababahala sa mga taong may dyabetis) at nagsasanhi ng mga sintomas ng sobrang isteroyd (pagbigat, redistribusyon ng mga taba, at mga sikayatrikong problema). Ang supresyon ng implamasyon at imyunong pagresponde na dulot ng sobrang isteroyd ay nagpapapayag rin sa mga inpeksyon na mangyari ng mas madali.

...


Precaution:

Huwag tatakpan ang ginamot na mga bahagi ng balat ng bendahe o ibang pambalot maliban nalang kung sasabin ng iyong doktor na gawin mo. Kung ginagamot mo ang bahagi ng diyaper sa isang sanggol, huwag gagamit ng mga gawa sa plastik o masisikip ng diyaper. Ang pagtakip sa balat na ginamot ng betamethasone topical ay pwedeng magpataas sa dami ng gamot na sisipsipin ng iyong balat, na maaaring magresulta sa mga hindi gustong epekto. Iwasang gamitin ang medikasyong ito sa iyong mukha, malapit sa mata, o sa kahit anong bahagi ng katawan na mayroon kang yuping balat o manipis na balat. Huwag gamitin ang medikasyong ito sa mga bata ng walang abiso ng doktor. Ang mga bata ay mas sensitibo sa mga epekto ng betamethasone topical. Ang Diprosone/betamethasone topical ay hindi magpapagaling sa mga inpeksyon sa balat na dulot ng bakterya, halamang-singaw, o mikrobyo. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor.

...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».