Dipyridamole
Eli Lilly | Dipyridamole (Medication)
Desc:
Ang Dipyridamole ay ginagamit sa kombinasyong kasama ang pampalabnaw ng dugo tulad ng warfarin upang pigilan ang pamumuo ng dugo matapos ang pagpapalit ng balbula sa puso. Ang mga pamumuo ay isang seryosong komplikasyon na pwedeng magsanhi ng atakeng serebral, atake sa puso, o baradong ugat sa baga (pulmonyang embolismo). Ang Dipyridamole ay kasama sa isang klase ng mga gamot na kilala bilang tagapag-bawal sa pleytlet. Ito ay tumutulong sa pagpapanatili ng pagdaloy ng dugo sa pamamagitan ng pagpapatigil sa mga pleytlet sa pagsasama-sama at pagpapanatiling bukas ng mga ugat sa puso. Inumin ang gamot na ito gamit ang iyong bibig, kadalasan ay 4 na beses araw-araw o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Ang medikasyong ito ay pinakamagandang inumin kung walang laman ang iyong tiyan, ngunit maaaring inumin ng may pagkain kung ang pag-iiba ng tiyan ay mangyari. Ang medikasyong ito ay ginagamit sa kombinasyong kasama ang pampalabnaw ng dugo tulad ng warfarin upang pigilan ang pamumuo ng dugo matapos ang pagpapalit ng balbula sa puso. Ang mga pamumuo ay isang seryosong komplikasyon na pwedeng magsanhi ng atakeng serebral, atake sa puso, o baradong ugat sa baga (pulmonyang embolismo). ...
Side Effect:
Sabihin sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epekto ang mangyari: panghihina, pagkahimatay, sakit ng tiyan, pagkabog/mabilis na tibok ng puso, paninilaw ng mga mata/balat, ihing madilim ang kulay, hindi pangkaraniwang pagdurugo/pamamasa. Ang pagkahilo, pag-iiba ng tiyan, pagtatae, pagsusuka, sakit ng ulo, at pamumula ay maaaring maganap, partikular sa una habang ang iyong katawan ay nakikiayon sa medikasyon. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. ...
Precaution:
Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Habang buntis, ang medikasyong ito ay dapat lamang gamitin kung malinaw na kinakailangan. Bago gamitin ang dipyridamole, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang dito, o kung ikaw ay may ibang alerdyi. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mababang presyon ng dugo. Sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung anong medikasyong may reseta o wala ang iyong ginagamit, lalo na ng aspirin at mga bitamina. Kung ikaw ay magkakaroon ng operasyon, kasama ng operasyon sa ngipin, sabihin sa iyong doktor o dentista kung ikaw ay gumagamit ng dipyridamole. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa panganib at benepisyo ng paggamit ng dipyridamole kung ikaw ay 65 na tao o mas matanda pa. Ang mga mas matatandang adulto ay hindi dapat kadalasang gumagamit ng dipyridamole dahil hindi ito kasing ligtas o epektibo katulad ng ibang medikasyon na pwedeng gamiting panggamot sa parehong kondisyon. ...