Disalcid

3M Pharmaceuticals | Disalcid (Medication)

Desc:

Ang Disalcid/salsalate ay ginagamit na pampaginhawa sa mga sakit na dulot ng iba-ibang kondisyon. Ito rin ay nagbabawas sa sakit, pamamaga, at katigasan ng mga kasu-kasuang mula sa rayuma. Ang medikasyong ito ay kilala bilang nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID). ...


Side Effect:

Itigil ang paggamit ng salsalate at sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epekto ang mangyari: mabilis/kumakabog na tibok ng puso, pagbabago sa dami ng ihi, madaling pamamasa/pagdurugo, senyales ng inpeksyon (halimbawa, lagnat, tumatagal na pamamaga ng lalamunan). Ang gamot na ito ay maaaring magsanhi ng seryoso, posibleng nakamamatay na sakit sa atay. kung ikaw ay may mapansing sa mga sumusunod na madalang ngunit napakaseryosong epekto, itigil ang pag-inom ng salsalate at komunsulta sa iyong doktor o parmaseutiko agad: ihing madilim ang kulay, paninilaw ng mga mata/balat, hindi karaniwan/matinding pagkapagod, matinding sakit ng tiyan/sikmura, tumatagal na pagduduwal/pagsusuka. Ang pag-iiba ng tiyan, pagkahilo, o pagduduwal ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihan agad ang iyong doktor o parmaseutiko. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang mangyari: sakit ng tiyan, pangangasim ng sikmura, pamamaga ng mga bukong-bukong/paa/kamay, bigla/hindi maipaliwanag na pagbigat, pagbabago sa pandinig (halimbawa, pagtitining ng tainga, bumabang pandinig). Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makararanas ng mga sintomas ng nakapaseryosong reaksyong alerdi na maaaring may kasamang: : pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga.

...


Precaution:

Hindi mo dapat gamitin ang medikasyong ito kung ikaw ay hindi hiyang sa sa aspirin o sa isang NSAID (non-steroidal anti-inflammatory drug). Upang masigurong magagamit mo ng ligtas ang salsalate, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alinman sa mga ibang kondisyon: hika; sakit sa puso; altapresyon, kondyestib na pagpapalya ng puso; kasaysayan ng atakeng serebral o atake sa puso; ulser sa tiyan o pagdudurugo sa bituka; karamdaman sa pagdurugo o pamumuo; dyabetis; pamamaga o retensyon ng tubig; anemya (kakulangan sa putting selula ng dugo); sakit sa atay; sakit sa bato; isang kakulangan sa ensaym na tinatawag ng glukos-6-pospeyt; kakulangang dehaydrodyineys (G6PD); polips na pang-ilong; o kung ikaw ay may dehaydrasyon. Ang mga salisileyt ay maaaring magsanhi ng mga nakamamatay na problema sa puso o serkulasyon tulad ng atake sa puso o atakeng serebral, lalo na kung ginamit ito ng matagal. Huwag gagamitin ang salsalate matapos o pagkatapos ng operasyong heart bypass (coronary artery bypass graft o CABG). Ang mga salisileyt ay maaari ring magsanhi ng mga seryosong epekto sa iyong tiyan o bituka, kasama ang pagdurugo o perporeysyon (pagbuo ng butas). Ang mga kondisyong ito ay nakamamatay ang maaaring mangyari ng walang babala habang tumatanggap ng salsalate, lalo na sa mga nakatatandang adulto. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor.

...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».