Divalproex

Abbott Laboratories | Divalproex (Medication)

Desc:

Ang Divalproex sodium ay isang gamot na panglaban sa kombulsyon. Ang medikasyong ito ay ginagamit upang gamutin ang mga sumpong na karamdaman ng epilepsy, ilang sikayatrikong kondisyon tulad ng bahaging manik ng karamdamang baypolar, at upang pigilan ang sobrang sakit ng ulo. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig ayon sa dinirekta ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ay nakabase sa iyong medikal na kondisyon at pagtugon sa paggagamot. Huwag tataasan ang dosis o dalas ng walang abiso ng doktor. ...


Side Effect:

Ang mga menor na epekto, na nangangailangan ng atensyong medikal kung sakaling tumagal o lumala ay ang mga: pagbabago sa ganang kumain; konstipasyon; pagtatae; pagkalito; pagkaantok; panlalagas ng buhok; sakit ng ulo; hindi matunawan; pagduduwal; sakit o pamimilipit ng tiyan; hirap sa pagtulog; pagsusuka; panghihina; pagbabago sa timbang. Ang mga sumusunod na matinding masamang reaksyon ay nangangailangan ng agarang alagang medikal: pamamantal, pangangati/ pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pamamantal; abnormal na pag-iisip; pagbabago sa panahon ng pagriregla; pagbabago sa asal; sakit ng dibdib; pagkalito; madilim ang kulay, mahirap ilabas, o madugong dumi; ihing madilim ang kulay; hirap sa pagsasalita; hirap sa pag-ihi o ibang problema sa pag-ihi; matinding pagkapagod; mabilis o iregular na tibok ng puso; halusinasyon; pagkawala ng pandinig; hindi boluntaryong paggalaw ng mga braso at hita; hindi boluntaryong paggalaw o pagnguyang paggalaw ng mukha, panga, bibig, o dila; sakit ng kasu-kasuan; kakulangan sa enerhiya; kawalan ng ganang kumain; pagkawala ng koordinasyon; pagkawala ng kontrol sa sumpong; pagwala ng memorya; bago o lumalalang pagbabago ng pag-iisip o kalooban; pagdurugo ng ilong; pagkabog sa dibdib; pula, paga, paltos, o namamalat na balat; matindi o tumatagal na pagduduwal, o sakit ng tiyan; kakapusan sa paghinga; pag-iisip ng pagpapakamatay o gawain; pamamaga ng mga braso o hita; sintomas ng inpeksyon; pangangatog; hindi pangkaraniwang pagdurugo o pamamasa; hindi pangkaraniwang panghihina; pagbabago sa paningin o panlalabo ng paningin o paninilaw. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa atay; pankreyataitis; karamdaman sa siklo ng yurya, pag-abuso sa alkohol; problemang pagdurugo, sakit sa utak, sakit sa bato, dehaydrasyon o mababang nutrisyon. Dahil ang Divalproex ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».