Aldactone

Pfizer | Aldactone (Medication)

Desc:

Ang Aldactone (spironolactone) ay isang potassium-sparing na diyuretiko (tabletang tubig)na pumipigil sa katawan mula sa pagsipsip ng sobrang asin at nagpapapanatili sa iyong lebel ng potasa mula sa pagiging sobrang mababa. Ang Aldactone ay ginagamit upang suriin at gamutin ang kondisyon na kung saan ay mayroong kang sobrang aldosterone sa iyong katawan. Ang aldosterone ay hormon na inilalabas ng iyong mga glandulang adrenal upang makatulong sa pag-ayos balanse ng tubig at asin sa iyong katawan. Ang Aldactone ay ginagamit rin ypang gamutin ang retensyon ng tubig (edema) sa mga taong mayroong kondyestib na pagpapalya ng puso, sirosis ng atay, o karamdaman sa bato tulad ng karamdamang nephrotic. Ang medikasyong ito ay ginagamit rin pang gamutin o pigilan ang hypokalemya (mababang mga lebel ng potasa sa dugo). ...


Side Effect:

Ang mga pinakakaraniwang epektong sanhi ng Aldactone ay may kasamang pagtatae, pagduduwal, pagsusuka, lagnat, pagkaantok, letarhiya at sakit ng ulo, problema sa pagtayo ng ari sa mga lalaki, at iregular o kawalan ng regla sa mga babae. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga mas seryosong epekto ay: reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; masakit o panghihina ng kalamnan, mabagal na tibok ng puso (bradikardiya), iregular na tibok ng puso (aritmiya), at hindi pangkaraniwang pakiramdam sa balat utlad ng nasusunog, pamamanhid, kirot o pangingilabot. Kung ikaw ay may mapansing kahit ano dito, humingi ng agarang tulong medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay may kahit anong sakit lalo ng mga kondisyong sa atay o hypopotassemia. Dahil ang aldactone ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».