Dolobid

Merck & Co. | Dolobid (Medication)

Desc:

Ang Dolobid/diflunisal ay isang nonsteroidal antiinflammatory drug (NSAID), epektibong panggamot sa lagnat, sakit, at implamasyon ng katawan. Ang Dolobid ay ginagamit upang paginhawahin ang malumanay hanggang katamtamang sakit mula sa iba-ibang mga kondisyon. Ito rin ay nagpabababa sa sakit, pamamaga, at katigasan ng buto na sanhi ng rayuma. Inumin ang medikasyong ito gamit ang iyong bibig ng may kasamang isang basong puno ng tubig ayon sa dinirekta ng doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. Huwag tataasan ang dosis o dalas ng walang abiso ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Karaniwan, ang mga sumusunod na epekto ay maaaring mangyari: malumanay na pagduduwal, pag-iiba ng tiyan, malumanay na pangangasim ng sikmura o sakit ng tiyan, pagtatae, konstipasyon; pamimintog, gas, pagkahilo, sakit ng ulo, pakiramdam ng pagkapagod; mga problema sa pagtulog; pangangati ng balat o pamamantal; malabong paningin; o pagtining sa tainga. Ang matinding epekto ay nangangailangan ng alagang medikal agad. Ito ay pwedeng: reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; sakit ng dibdib , panghihina, kakapusan sa hininga, paputol-putol na pagsasalita, problema sa paningin o balanse; maitim, madugo, o mahirap ilabas na dumi; pag-ubo ng dugo o pagsuka ng parang kapeng durog; pamamaga o mabilis na pagbigat; pag-ihi ng mas kaunti kaysa madalas o wala talaga; pagduduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalan ng ganang kumain, ihing madilim ang kulay, kulay putik na dumi, paninilaw; lagnat. pamamaga ng lalamunan, at sakit ng ulo na may kasamang matinding pamamaltos, pagbabalat, at pulang pantal; pamamasa, matinding tusok-tusok, pagkamanhid, sakit, panghihina ng kalamnan; o lagnat, sakit ng ulo, pagtigas ng leeg, ginaw, tumaas na pagkasensitibo sa liwanag, ubeng batik sa balat, at/o sumpong. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato o atay, hindi mahusay na kontroladong dyabetis, pagdurugo, ulser, sakit sa puso tulad ng konsyestib na pagpapalya ng puso, kasaysayan ng atake sa puso, atakeng serebral, altapresyon, dehaydrasyon, anemya, problema sa pagdurugo o pamumuo ng dugo, hika, o pang-ilong na polips. Dahil ang Dolobid ay pwedeng magsanhi ng panghihilo at pagkaantok, uwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Limitahan mo rin ang alak, upang maiwasan ang pagdurugo ng tiyan. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».