Aldara

Medicis | Aldara (Medication)

Desc:

Ang aldara ay ginagamit upang gamutin ang actinic keratosis, isang kondisyon na sanhi ng sobrang pagkababad sa araw, sa mukha at anit. Ito rin ay ginagamit upang gamutin ang menor na porma ng kanser sa balat na tinatawag na basal cell carcinoma, kung ang operasyon ay hindi tamang paggagamot. Ito rin ay ginagamit upang gamutin ang kulugo sa ari at perianal na sanhi ng human papillomavirus (HPV) sa mga adulot, na lumilitaw sa labas ng katawan. Ang imiquimod na krim ay kasama sa grupo ng mga medikasyon na tinatawag na immune response modifier. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapasigla sa mga depensa ng katawan upang labanan ang ilang uri ng mga kondisyon sa balat. Ang imiquimod ay maaaring gamitin sa mga adulto at bata na 12 taong gulang man lanag. Gamitin ang medikasyong ito ng eksaktong gaya sa abiso ng iyong tagapagbigay ng serbisyong pagkalusugan. ...


Side Effect:

Katulad ng kahit anong gamot, ang mga epekto ay pwedeng mangyari; ang mga ito ay pwedeng malumanay o matindi at maaaring hindi lumitaw sa kahit na sino. Ang mga seryosong epekto ay: reaksyong alerdyi – hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan; mga epekto tulad ng mga sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat, ginaw, sakit ng katawan, pakiramdam na pagod, pagang mga glandula; matinding pamamaga o mga problema sa pag-ihi; tumaas na presyon ng dugo; bukas na sugat o langib sa iyong balat; masakit, pagang kasu-kasuan o pamamantal. Ang mga hindi masyadong epekto ay may kasamang: malumanay na iritasyon sa balat, pagkatuyo, pagtutuklap, paglalangib, pagbabalat, pamumula, o paninigas ng balat kung saan inilagay ang gamot, mga pagbabago sa kulay ng ginamot na balat; sakit ng ulo, pagkahilo, sakit ng likod; cold sores, fever blisters; pagduduwal, pagtatae, kawalan ng ganang kumain; o pangangati o diskarga sa ari ng babae. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Aldara, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa imiquimod, o sa ibang gamot, pagkain, pangkulay sa pagkain o hayop. Magbigay rin ng impormasyon tungkol sa iyong kasaysayang medikal lalo ng: kamakailan lamang/hindi gumaling na operasyon sa bahagi ng balat na gagamuti, mga problema sa sistemang pantabla kasama ang: inpeksyong HIV, ilang komplikasyon sa utak ng buto o ilang paglilipat ng organo, autoimmune na mga sakit tulad ng rayuma, scleroderma, o lulpus. Habang paggagamot ng mga kulugo sa ari/pwet, iwasan ang lahat ng pansekswal na kontak habang ang krim ay nasa iyong balat. Iwasan rin ang pagbabad sa araw o pangungulting higaan at gumamit ng sunscreen at magsuot ng mga protektibong damit kapag nasa labas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».