Domperidone - oral
Aurobindo Pharma | Domperidone - oral (Medication)
Desc:
Ang Domperidone-oral ay isang gamot na pangontra sa sakit, at pwede ring magamit upang paginhawahin ang hindi komportableng mga sintomas ng pagpipintog ng tiyan, pagkapuno at kati sa mga adulto. Ito ay maaari ring gamitin upang pigilan ang pagduduwal at pagsusuka na dulot ng ilang mga medikasyon. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig, kadalasan ay 30 minuto bago ang pagkain at bago angpagtulog, o ayon sa dinirekta ng iyong tagapagbigay ng serbisyong medikal. Huwag tataasan ang dosis o dadalasan ng walang abiso ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Kasama sa mga kinakailangang epekto, ito ay pwedeng magsanhi ng matinding mga epekto tulad ng: reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; sakit sa dibdib, mabagal/mabilis/iregular na tibok ng puso, pamamaga ng mga paa o bukong-bukong, hirap sa pag-ihi, pamamaga ng mga susoo diskarga mula sa utong ng mga lalaki o babae, pagbabago sa regla, pansekswal na hirap. Kung ikaw ay may mapansing kahit ano dito, humingi ng agarang tulong medikal. Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay may kasamang: sakit ng ulo, pagkahilo, tuyong bibig, pagkakaba, pamumula, o iritabilidad. Kung alinman dito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang dito, o sa ibang gamot, o kung ikaw ay may ibang alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng kanser sa suso. Dahil ang Domperidone ay pwedeng magsanhi ng pagkahilo o pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...