Aldesleukin
Prometheus Laboratories | Aldesleukin (Medication)
Desc:
Ang Aldesleukin ay isang protinang gawa ng tao na mayroong kaparehong mga aksyon tulad ng katutubong pantaong interleukin-2. Ang mga interleukin ay ang mga mensahero na kung saan ang mga puting selula ng dugo ay nakikipag-usap sa isa’t iisa tulad ng mga lymphocyte, monocyte, at macrophage na kasama sa implamasyon at kaligtasan sa sakit. Ang mga lumphocyte ay lumalaban sa mga inpeksyong pangmikrobyo, inaayos ang sistemang kaligtaasan sa sakit, at nilalaban ang mga kanser. Ang eksaktong mekanismo ng paglaban ng aldesleukin sa mga tumor ay hindi alam. Ang aldesleukin ay isang medikasyon sa kanser na sumasalungat sa paglaki ng tumor. Ang aldesleukin ay ginagamit upang gamutin ang kanser sa bato o kanser sa balat na kumalat sa ibang mga bahagi ng katawan. ...
Side Effect:
Kung ibibigay bilang inpyusyon sa ugat (sa ugat), ang aldesleukin ay magsasanhi ng mga epekto sa halos lahat ng orgamo. Dahil sa mga epekto ito, ang aldesleukin ay ibinibigay lamang sa mga pasyenteng kayang tiisin ang mga ito ng pisikal at mental. Ang karamihan sa mga epekto ay dahil sa tagas ng maliliit na ugat na nagsisimula agad kapag nasimulan ang paggagamot. Ang mga tagas ng maliliit na ugat ay nagriresulta sa pagtagas ng mga protina mula sa dugo. Ito ay nagsasanhi ng pagkawala ng likido mula sa dugo, ang pagbawas sa bolyum ng dugo, at pagbawas sa presyon ng dugo. Ang pagbawas sa presyong ng dugo ay pwedeng dramatiko at magresulta ng kamatayan. Mahigit sa dalawa sa tatlong bahagi ng mga pasyente ang nangangailangan ng panturok na medikasyon upang gamutin ang mababang presyon ng dugo. ...
Precaution:
Hindi ka dapat tumanggap ng medikasyong ito kung ikaw ay hindi hiyang sa aldesleukin o interleukin-2, o kung ikaw ay may inpeksyong bakteryal, kung ikaw ay nakatanggap ng pagpapalit ng organo, o kung ikaw ay may kamakailan lamang na abnormal na mga eksam sa baga o puso. Maaaring hindi ka pwedeng tumanggap ng aldesleukin bago ang paggagamot ng medikasyong ito na sanhi ng sakit sa dibdib, iregular na ritmo ng puso, namuong tubig sa palibot ng iyong puso, pagpapalya ng bato, mga sumpong, sikosis, pagdurugo sa tiyan o bituka na nangangailang ng tubo para sa paghinga. Bago gamitin ang aldesleukin, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may karamdaman sa puso o may kasaysayan ng atake sa puso, problema sa paghinga, sakit sa atay o bato, sakit sa pantog, mataas na mga lebel ng kaltsyum sa dugo, karamdaman sa teroydeo, dyabetis, mga sumpong, karamdaman sa pag-iisip, mga problemang neurolohiko , o mga karamdamang autoimmune (rayuma, sakit ni Chron, scleroderma, myasthenia gravis, o karamdaman sa balat). Maraming ibang mga gamot ang pwedeng makisalamuha sa aldesleukin. Sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng medikasyon na iyong ginagamit. ...