Doxepin
Vion Pharmaceuticals, Inc. | Doxepin (Medication)
Desc:
Ang Doxepin ay kasama sa isang klase ng mga medikasyon na tinatawag na tricyclic antidepressants na pangunahing ginagamit upang gamutin ang depresyon at pagkabalisa. Ang Doxepin ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapataas sa mga lebel ng serotonin at norepinephrine na nagriresulta sa pagpapataas ng kalooban. Inumin ang gamot na ito ng isa hanggang tatlong beses sa isang araw, mayroon man o walang pagkain, ayon sa dinirekta ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. Huwag tataasan ang dosis o dalas ng walang abiso ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang pagduduwal, pagkaantok, panghihina o pagkapagod, mga bangungot, tuyong bibig, balat na mas sensitibo sa sinag ng araw kaysa sa karaniwan, pagbabago sa ganang kumain o bigat, konstipasyon, hirap sap ag-ihi, madalas na pag-ihi, malabong paningin, pagbabago sa pansekswal na drayb o abilidad at sobrang pamamawis ay mga karaniwang epekto na nangangailan ng atensyong medikal kung sila lamang ay tatagal o lalala. Kasama sa mga higit na matinding masasamang reaksyon: reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; pulikat sa kalamnan ng panga, leeg, at likod; mabagal o hirap na pagsasalita; paglalakad ng kinakaladkad ang paa; hindi kontroladong pag-uga ng parte ng katawan; lagnat; hirap sa paghinga o paglunok; pamamalat; at paninilaw. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: glawkoma, lumaking prosteyt, dyabetis, mga sumpong, sobrang aktibong glandula sa teroydeo, o sakit sa atay, bato, o puso. Dahil ang Doxepin ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Gayundin, limitahan ang iyong alak. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...