Doxepin Topical

Mylan Laboratories | Doxepin Topical (Medication)

Desc:

Ang Doxepin topical ginagamit upang paginhawahin ang pangangati ng mga pasyenteng may ilang uri ng eksema. Ito nakitang gumagawa sa pamamagitan ng pagpigil sa mga epekto ng histamine, na isang substansya na inilabas ng katawan na nagsasanhi ng pangangati. ...


Side Effect:

Ang pagsusunog/pagkirot sa bahaging pinaglagyan, pagkaantok, pagkahilo, tuyong bibig, malabong paningin, o mga pagbabago sa panlasa ay maaaring mangyari. Upang paginhawahin ang tuyong bibig, sumipsip ng (walang asukal) matigas na kendi o mga pitsa ng yelo, ngumuya ng (walang asukal) gam, uminom ng tubig, o gumamit ng pamalit sa laway. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong mga epekto ay mangyayari: matinding konstipasyon, kawalan ng koordinasyon, pagtining sa mga tainga, tumatagal na pangangasim ng sikmura, mga pagbabago sa pag-iisip/kalooban (halimbawa, agitasyon, pagkalito, depresyon), panghihina/pulikat ng kalamnan, pamamanhid/pagtusok-tusok ng mga kamay/paa, walang kapahingahan, bumabang pansweksal na abilidad/interes, hirap sap ag-ihi, pamamaga ng mga kamay/paa, pagbigat. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong mga epektong ito ang mangyari: madaling pagpapasa/pagdurugo, ihing madilim ang kulay, paninilaw ng mga mata/balat. Humingi ng agarang tulong medikal kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong mga epekto ang mangyari: putol-putol na pagsasalita, mabilis/iregular na tibok ng puso,, mga pagbabago sa paningin,, pagkahimatay, panghihina sa isang bahagi ng katawan, mga sumpong. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang doxepin na krim, sabihin sa iyong doktor ata parmaseutiko kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor at parmaseutiko kung anong gamot na may reseta at walang reseta, mga bitamina, suplementong nutrisyonal, at mga produktong erbal ang iyong ginagamit o balak na gamitin. Sabihin rin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay gumagamit ng mga sumusunod na mga medikasyon o kung ikaw ay tumigil na sa paggamit sa nakalipas na 2 linggo: monoamine oxidase (MAO) inhibitors, kasama ang isocarboxazid, phenelzine, at tranylcypromine. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng glawkoma, hindi mapanganib na prostatikong haypertropiya (paglaki ng prosteyt), o retensyong pang-ihi (inabilidad na ubusin ang laman ng iyong pantog ng kumpleto). Ang doxepin ay maaaring gawin kang nahihilo. Huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa malaman mo kung paano ka inaapektuhan ng medikasyong ito. Isaisip na ang alak ay pwedeng magdagdag sa iyong pagkaantok na sanhi ng medikaasyong ito. Habang buntis at nagpapasuso. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».