Aldomet
Iroko Pharmaceuticals | Aldomet (Medication)
Desc:
Ang Aldomet/methyldopa ay kadalasang nirireseta lamang bilang karagdagang paggagamot sa mga tao ang presyon ng dugo ay hindi mainam na napababa ng mga gamot. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapasigla sa mga alpha na reseptor sa utak. Ito ay nagsasanhi sa utak upang magbigay ng mga hudyat sa mga ugat na gawin silang relaks at malawak. Ang resulta nito ay ang pagpapababa sa presyon ng dugo. Ang Aldomet/methyldopa ay itinutustos bilang mga tableta, para sa pambibig na paggamit. ...
Side Effect:
Ang mga epekto ng methyldopa ay malumanay at may kasamang: pagkaantok; tuyong bibig; pagod; edema sa hita; bradikardiya; pagduduwal; pasusuka; konstipasyon; pagtatae; sakit ng ulo, pagkalito, pagkahilo; myalgia, arthralgia, paresthesia; depresyon, sikosis, mga bangungot. Ang pagkahilo, pagkaantok, sakit ng ulo, pagbabara ng ilong, at panghihina ay maaaring mangyari, lalo na kapag sinimulan mo ang paggagamot na ito at kung tumaas ang iiyong dosis, kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihan ng maagap ang iyong doktor o parmaseukto. Sa mga madalang na kaso, ang medikasyong ito ay maaaring magpataas ng iyong lebel ng ilang natural na substansya na gawa ng katawan (prolactin). Para sa mga babae, ang pagtaas ng prolactin na ito ay maaaring magresulta sa hindi gustong gatas sa suso, nalaktwan/humintong regla, o hirap na pagbubuntis. Para sa mga lalaki, ito ay maaaring magresulta sa bumabang pansekswal na abilidad, kawalan ng kakayahang maglabas ng tamod, o lumaking mga suso. Kung ikaw ay may mabuong mga ganitong sintomas, sabihin agad sa iyong doktor. Ang hindi malamang ngunit napakaseryosong epekto ay maaaring mangyari, tulad ng: pamamaga ng mga bukong-bukong/paa, hindi inasahan o mabilis na pagbigat, hindi pangkaraniwang pagpapasa o pagdurugo, inboluntaryong mga paggalaw, sakit sa kasu-kasuan/kalamnan, pagbabago sa pag-iisip/kalooban (halimbawa, pagkalito, depresyon), mga senyales ng inpeksyon (halimbawam lagnat, tumatagal na pamamaga ng lalamunan). Humingi ng agarang tulong medikal kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong mga epektong ito ang mangyari: sakit ng dibdib, mabagal/mabilis/iregular na tibok ng puso. Ang gamot na ito maaaring paminsan-minsang magsanhi ng seryosong (madalang na nakamamatay) sakit sa atay. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Aldomet, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa methyldopa o kung ikaw ay may kahit anong alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may laman na hindi aktibong mga sangkap, na maaaring magsanhi ng reaksyong alerdyi o ibang mga problema. Ang medikasyong ito ay hindi dapat gamitin kung ikaw ay may ilang kondisyong medikal. Bago gamitin ang gamot na ito, komunsulta sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay may: sakit sa atay (halimbawa, hepataitis o sirosis), o kasaysayan sa sakit sa atay na sanhi ng mga medikasyon. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: mababang bilang ng pulang selula sa dugo (halimbawa, hemolitikong anemya), ilang genetikong mga kondisyon (kakulangan sa glucose-6-phosphate dehydrogenase), pagpapalya ng puso, sakit sa bato, sakit sa atay, atakeng serebral/ transient ischemic na atake, pheochromocytoma, sakit ni Parkinson. Ang gamot na ito ay maaaring gawi kang nahihilo o naaantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ang pag-inom ng alak. Bago magkaroon ng operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista na gumagamit ka ng medikasyon ito. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...