Alefacept

Biogen Idec | Alefacept (Medication)

Desc:

Ang Alefacept ay ginagamit upang gamutin ang ilang kondisyon sa balat (soryasis). Sa soryasis, ang ilang selula na kasama sa natural na depensa ng katawan (sistemang kaligtasan sa sakit) ay masyadong aktibo, na nagriresulta sa pamumuo ng mga plaque/patay na selula ng balat. Ang pamumuong ito ay pwedeng magsanhi ng hindi kaaya-aya sa matang mga pitsa sa balat, hindi kaginhawahan, at sakit. Ang Alefacept ay ginagamit upang gamutin ang malumanay hanggan malalang kronik na plaque na soryasis (sakit sa balat na kung saan ang pula, makaliskis na mga pitsa ay nabubuo sa ilang bahagi ng katawan. Ang Alefacept ay nasa isang klase ng medikasyon na tinatawag na mga immunosuppressant. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapahinto sa aksyon ng ilang selula sa katawan na nagsasanhi ng mga sintomas ng soryasis. ...


Side Effect:

Malumanay na sakit/pamamaga/pagdurugo sa bahaging pinagturukan at ginaw ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin ng maagap sa iyong doktor o parmaseutiko. Maraming taong gumagamit ng medikasyong ito ang walang seryosong mga epekto. Ipabatid sa iyong doktor agad kung lainman sa mga hindi malaman ngunit seryosong epekto ang mangyari: sintomas ng pinsala sa atay (halimbawa, matinding pagduduwal/pagsusuka, sakit ng tiyan/sikmura, ihing madilim ang kulay, paninilaw ng mga mata/balat. Madalang, ang medikasyong ito ay maaaring magpataas sa panganib ng pagkakaroon ng kanser. Sabihin agad sa iyong doktor kung ikaw ay may mabuong sintomas tulad ng: hindi pangkaraniwang buko, namagang mga glandual, sugat/pitsa sa balat na bago o nag-iba ang hitsura. Ang medikasyong ito ay pwedeng magpababa sa abilidad ng iyong katawan na labanan ang inpeksyon. Maagap na sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay magkaroon ng kahit anong senyales ng inpeksyon tulad ng lagnat, sakit ng kalamnan, o tumatagal na pamamaga ng lalamunan. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may lamang mga hindi aktibong sangkap, na maaaring magsanhi ng reaksyong alerdyi o ibang mga problema. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: kanser, pangkasalukuyang inpeksyon, mga problema sa sistemang kaligtasan sa sakit, sakit sa atay, ibang paggagamot para sa soryasis (kasama ang UV na liwanag). Huwah magkakaroon ng imyunisasyon/baksinasyon ng walang pagpayag ng iyong doktor, at iwasan ang kontak sa mga taong tumanggap ng pambibig na bakuna sa polyo o bakuna sa trangkasong sininghot ng ilong kamakailan lamang. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay buntis bago ang medikasyon. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».