Drysol
Wyeth | Drysol (Medication)
Desc:
Ang Drysol/aluminum chloride hexahydrate ay ginagamit upang gamutin ang sobrang pamamawis, tinatawag ring hyperdhidrosis. Ang Drysoll Liquid ay tama para sa: pamamawis ng axillae (ilalim ng braso); namamawis na mga palad; namamawis na talampakan. Gamitin ang medikasyong ito sa balat lamang. Ang apektadong bahagi ay dapat na tuyo kapag nilagyan ng medikasyon. Kung kinakailangan, patuyuin ang apektadong bahagi ng panuyo sa buhok sa mainit na tagpuan ng ilang inuto. Aralin ang lahat ng preparasyon at paggamit na instruksyon sa pabalat ng produkto. Kung alinman sa mga impormasyon ang hindi malinaw, komunsulta sa iyong doktor o parmaseutiko. Huwag ilalagay ang medikasyon sa mata o sa may sugat, iritado, kaaahit lang na balat. Kung malagyan mo ang mga bahaging iyon, buhusan ng tubig. Maglagay ng manipis na patong ng medikasyong ito sa apektadong bahagi, kadalasan ay isang beses araw-araw sa gabi para sa 2 hanggang 3 mga araw hanggang sa ang pamamawis ay makontrol, tappos isa o dalawang beses sa isang linggo o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Pagkatapos maglagay ng medikasyong ito, hayaang matuyo. Kung maglalagay sa mga kamay o paa, balutin ang bahagi ng pambalot na plastik at balutan ng guwante o medyas. Kung maglalagay sa kili-kili, magsuot ng sando. ...
Side Effect:
Ang pagtusok-tusok, malumanay na pangangati, o iritasyon ay maaaring mangyari sa unang paglagay ng medikasyong ito. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ang gamot na ito ay para sa balat lamang. Iwasang mailagay sa iyong mga mata, bibig, o labi. Kung malagyan mo ang mga bahaging iyon, buhusan ng tubig. Huwag ilalagay ang Drysol/aluminum chloride hexahydrate topical sa mga iritado o may sugat na balat. Huwag gagamitin ang gamot na ito sa kakaahit lamang na balat. Iwasan ring mailagay ang medikasyong ito sa mga sugat. Huwag gagamit ng ibang pamawing-amoy o pamawing-pawis habang gumagamit ng Drysol/aluminum chloride hexahydrate topical. Ang medikasyong ito ay maaaring magmantsa sa ilang tela o metal na nadikitan nito. Iwasang malagay ang gamot sa mga kalatagang ayaw mong mamantsahan. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...