Duloxetine
Unknown / Multiple | Duloxetine (Medication)
Desc:
Ang Duloxetine ay isang panlaban sa depresyon na nasa isang grupo na tinatawag na selective serotonin a norepinephrine reuptake inhibitors (SSNRIs). Inaapektuhan ng Duloxetine ang mga kemikal sa utak na maaaring maging hindi balanse at magsanhi ng depresyon. Ang Duloxetine ay ginagamit upang gamutin ang malaking depresibong karamdaman at pangkalahatang pagkabalisang karamdaman. Ang Duloxetine ay ginagamit rin upang gamutin ang fibromyalgia (kronik na sakit na karamdaman), o kronik na sakit ng kalamnan o kasu-kasuan (tulad ng sakit sa ibabang likod at rayuma). Ang Duloxetine ay ginagamit rin upang gamutin ang sakit na sanhi ng pinsala sa nerb sa mga taong may dyabetis (dyabetikong neuropatiya). ...
Side Effect:
Ang pagduduwal, tuyong bibig, konstipasyon, kawalan ng ganang kumain, pagkapagod, pagkaantok, o tumaas na pamamawis ay maaaring mangyari. Kung alinman dito ang tumagal o lumala, sabihin ng maagap sa iyong doktor. Ang pagkahilo ay maaaring mangyari kapag ikaw ay nagsimula sa iyong unang dosis ng gamot. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga seryosong epekto ito ang mangyari: madaling pagpapasa/pagdurugo, ihing madilim ang kulay, bumabang interes sa seks, pagbabago sa mga sekswal na abilidad, panghihina/pulikat ng kalamnan, pag-uuga (pangangatog), sakit ng tiyan/sikmura, paninilaw ng mga mata/balat, hirap sap ag-ihi, hindi pangkaraniwang pagbaba ng dami ng ihi. Kumuha ng agarang tulong medikal kung alinman sa mga madalang ngunit seryosong epekto ang mangyari: itim/mahirap ilabas na dumi, sukang parang kapeng durog, sumpong. Ang medikasyong ito ay madalang na nagsasanhi ng napakaseryosong kondisyong tinatawag na sindrom ng serotonin. Ang panganib na ito ay tumataas kapag ginamit ang medikasyong ito kasama ng ilang gamot (tingnang ang interaksyon ng mga gamot na seksyon). Kumuha agad ng tulong medikal kung ikaw ay may mabuong sumusunod na mga sintomas: halusinasyon, hindi pangkaraniwang walang kapahingahan, kawalan ng koordinasyon, mabilis na tibok ng puso, matinding pagkahilo, hindi maipaliwanag na lagnat, matinding pagduduwal/pagsusuka/pagtatae, pagkikibit ng kalamnan. Ang napakaseryosong reaskyong alerdyi sa gamot na ito ay madalan. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, kolaitis, o mga problema sa tiyan. Sabihin sa iyong doktor at parmaseutiko kung anong ibang medikasyong may reseta at wala, bitamina, suplementong nutrisyonal, at prosuktong erbal ang iyong ginagamit o balak na gamitin. Ang Doxorubicin ay maaaring makisalamuha sa iyong normal na menstruwal na siklo (regla) at maaaring pahintuin ang produksyon ng tamod sa mga lalaki. Ngunit, hindi mo dapat ipalagay na hindi ka na mabubuntis o hindi ka na makabubuntis. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...