Duricef
Warner Chilcott | Duricef (Medication)
Desc:
Ang Duricef/cefadroxil ay nasa isang grupo ng mga gamot na tinatawag na mga antibiyutikong cephalosporin. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng paglaban sa mga bakterya sa iyong katawan. Ito ay ginagamit upang gamutin ang iba’t ibang uri ng mga inpeksyon na sanhing bakterya. ...
Side Effect:
Ang mga seryosong epekto ay maaaring may kasamang: pagtatae na matubig o madugo; lagnat, ginaw, mga sakit ng katawn, mga sintomas ng trangkaso; hindi pangkaraniwang pagdurugo o pagpapasa; sumpong (kombulsyon); maputla o madilaw na balat, ihing madilim ang kulay, lagnat, pagkalito o panghihina; paninilaw (paninilaw ng balat o mga mata); lagnat, namagang mga glandula, pamamantal o pangangati, pamamaga, pagbigat, pakiramdam na pagkakapos sa hininga, pag-ihi ng mas kaunti kaysa kadalasan o wala talaga. Ang mga hindi masyadong epekto ay may kasamang: pagduduwal, pagsusuka, sakit ng tiyan, malumanay na pagtatae; matigas o masikip na mga kalamnan; sakit ng kasu-kasuan; pakiramdam na walang kapahingahan o hayperaktibo; hindi pangkaraniwan o kaaya-ayang lasa sa bibig; malumanay na pangangati o pamamantal; o pangangati o diskarga sa ari ng babae. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ang ilang mga kondisyong medikal ay maaaring makisalamuha kasama ang Duricef, tulad ng: kung ikaw ay buntis, nagpaplanong maging buntis, o nagpapasuso; kung ikaw ay gumagamit ng kahit anong may reseta o walang resetang gamot, preparasyong erbal, o suplementong pangdiyeta; kung ikaw ay may mga alerhiya sa mga gamot, pagkain, o ibang substansya; o kung ikaw ay may karamdamang pamumuo ng dugo, mga problema sa bato, o mga problema sa tiyan o bituka (halimbawa, implamasyon); o kung ikaw ay mayroong matinding reaksyong alerdyi (halimbawa, matinding pamamantal, hirap sa paghinga, o pagkahilo) sa antibiyutikong penisilin (halimbawa, amoxicillin) o ibang beta-lactam na antibiyutiko (halimbawa, imipenem). Bago gamitin ang Duricef , sabihin sa iyong doktor kung anong may reseta o walang resetang medikasyon ang iyong ginagamit. ...