Alendronate

Merck & Co. | Alendronate (Medication)

Desc:

Ang Alendronate ay gamot na ginagamit upang pigilin at gamutin ang osteoporosis sa mga babae pagkatapos ng menopos. Ito rin ay maaaring gamitin upang pataasin ang bigat ng buto sa mga lalaking mayroong osteoporosis, sa mga lalaki at babae upang pigilan at gamutin ang osteoporosis na sanhi ng matagal na paggamit ng mga kortikosteroyd. Ito rin ay maaaring gamitin upang gamutin ang sakit ni Paget sa buto. Inumin ang Alendronate ng eksaktong gaya ng dinirekta. Ang gamot na ito ay iniinom gamit ang bibig na may kasamsang isang baso ng purong tubig sa walang laman na tiyan. Ito ay dapat na inumin pagkagising sa umaga at 30 minuto man lang bago ang kahit anong pagkain, inumin, o ibang mga gamot. ...


Side Effect:

Ang pinakakaraniwang epekto ng Alendronate ay pulikat sa tiyan. Ang ibang hindi mga seryosong epekto ay may kasamang: pagduduwal, konstipasyon, pagtatae, gas, pamimintog ng mukha o pagkapuno ng tiyan, pagbabago sa kakayahang maglasa ng pagkain, sakit ng ulo, pagkahilo, pamamaga ng mga kasu-kasuan, mga kamay, o mga hita. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lulmala, humingi ng agarang tulong medikal. Ang mga mas seryosong epekto, na nangangailangan ng agarang alagang medikal ay ang mga: bago o lumalalang pangangasim ng sikmura; hirap sa paglunok; sakit ng dibdib; madugong suka o sukang parang kapeng durog; maitim, mahirap ilabas, o madugong mga dumi; lagnat; paltos o namamalat na balat; pamamantal (maaaring palalain ng liwanag ng araw); pangangati; pamamantal; pamamaga ng mga mata, mukha, labi, dila, o lalamunan; hirap sa paghinga; pagkapaos; masakit o pagang mga galagid; lumuluwag nga mga ngipin; pagkamanhid o mabigat na pakiramdam sa panga; sakit ng mata; mapurol, sumasakit na mga balakang, singit, o hita. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Alendronate, sabihin sa iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan kung ikaw ay hindi hiyang sa gamot na ito, o sa ibang gamot, pagkain, pangkulay sa pagkain o mga hayo. Sabihin rin sa iyong doktor kung ikaw ay nasa ilalim ng radyasyong terapiya at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng anemya; mababang lebel ng bitaminang D sa katawan; hirap sa paglunok; pangangasim ng sikmura, ulser, o ibang mga problema sa tiyan; kanser; kahit anong uri ng inpeksyon, lalo na sa iyong bibig; mga problema sa iyong bibig, ngipin, o mga giagid; ang kahit anong kondisyong pumipigil sa dugo mula sa normal na pamumuo; o sakit sa ngipin o bato. Hindi inirirekomeda ang paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso ng walang abiso ng doktor, dahil sa katotohanang ang Alendronate ay maaaring manatili sa iyong katawang ng ilang taon pagkatapos mong ihinto ang paggamit nito. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».