Edluar
Meda Pharmaceuticals | Edluar (Medication)
Desc:
Ang Edluar/solpidem ay isang gamot pampatulog upang mabigyan ng panandaliang lunas ang insomniya na nagpapakita ng kahirapan sa pagtulog. Ang Edluar ay isang gamot na nangangailangan ng reseta at naglalaman ng sangkap na pampatulog na tinatawag na zolpidem tartrate. Ang Xolpidem tartrate ay napatunayan na mabisa at tumutulong sa mga tao upang makatulog. ...
Side Effect:
Maaaring makaranas ng pagkahilo. Kung ang epekto ng gamot na ito ay manatili o maging malubha, ipaalam agad sa iyong doktor o parmasyutiko. Agad ipaalam sa iyong doktor kung ang mga sumusunod na madalang ngunit malubhang mga epekto ng gamot ay maranasan: pagkawala ng memorya, pabago-bago ng pagiisip/kalooban o paguugali (kagaya ng bago/lumulubhang depresyon, hindi normal ng mga naiisip, pagiisip na magpakamatay, pagkakaroon ng guni-guni, pagkalito, pagkabalisa, agresibong paguugali, pagkabahala. Matapos gumamit ng gamot na ito, madalang na may pagkakataong ang mga tao ay bumabangon sa pagkakahiga at nagmamaneho ng sasakyan habag sila ay hindi kumpletong gising. Ang mga ibang tao ay naglalakad ng tulog, naghahain/kumakain, tumatawag sa telepono, o nakikipagtalik habang sila ay hindi kumpletong gising. Kadalasan, ang mga taong ito ay di nakakaalala ng mga nangyari. Ang suliraning ito ay maaaring maging mapanganib sa iyo o sa ibang mga tao. Agad ipaalam sa iyong doktor kung iyong malaman na ikaw nakagawa ng mga nasabing mga bagay matapos gumamit ng gamot na ito. Ang mga panganib ay maaaring lumala kung ikaw ay iinom ng alak o gagamit ng iba pang mga gamot na maaaring magpaantok habang gumagamit ng zolpidem. Humanap ng mabilisang atensyong medikal kung ikaw ay makakaranas ng anumang sintomas ng malubhang alerdyi na may kasamang: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha, dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod na mga kondisyon: sakit sa bato; sakit sa atay; sakit sa baga gaya ng hika, bronchitis, empisima, o chronic obstructive pulmonary disease (COPD); paghinto sa paghinga habang natutulog o sleep apnea; myasthenia gravis; kasaysayan ng depresyon, sakit sa pagiisip, o tangkang pagpapakamatay; o kasaysayan ng pagl-abuso sa ipinagbabawal na gamot. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasusuo nang walang pagsangguni sa iyong doktor. ...