Aleve
Bayer HealthCare | Aleve (Medication)
Desc:
Ang Aleve/naproxen ay isang non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na ginagamitt upang pangasiwaan ang malumanay hanggang katamtamang sakit, lagnat, at implamasyon. Hinaharangan nito ang ensaym na cyclooxygenase na gumagawa ng mga prostaglandino, nagriresulta sa mababang konsentrasyon ng mga prostaglandino. Bilang resulta. Ang implamasyon, sakit, at lagnat ay nababawas, ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hormone na nagsasanhi ng implamasyon at sakit ng katawan. Ang Aleve ay ginagamit upang gamutin ang sakit o implamasyong sanhi ng mga kondisyong tulad ng rayuma, ankylosing spondylitis, tendinitis, bursitis, gota, o pulikat na pangregla. ...
Side Effect:
Minsan, ang ulserasyon sa tiyan at pagdurugo ng bituka ay pwedeng mangyari ng walang kahit anong sakit ng tiyan. Ang maitim at mahirap ilabas na mga dumi, panghihina, at pagkahilo sa pagkakatayo ay maaaring maging tanging mga senyales ng pagdurugo. Ang retesyon ng likido, pamumuo ng dugo, atake sa puso, altapresyon, at pagpapalya ng puso ay naitala ring kaugnay ng paggamit ng NSAIDs. Ang pinakakaraniwang mga epekto ng naproxen ay ang pamamantal, pagtunog sa mga tainga, mga sakit ng ulo, pagkaantok, sakit ng tiyan, pagduduwal, pagtatate, konstipasyon, pangangasim ng sikmura, retensyon ng likido at pagkakapos sa hininga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: hika (kasama ang kasaysayan ng lumalalang paghinga pagtapos uminom ng aspirin o ibang NSAIDs), mga karamdaman sa dugo (tulad ng anemya, mga problema sa pagdurugo/pamumuo ng dugo), pagtubo sa ilong (pang-ilong na polips), sakit sa puso, at iba pa. Iwasan ang matagal na pagbabad sa araw, mga pangungulting kubol, at ilaw na araw. Gumamit ng sunscreen at magsuot ng protektibong damit kapag asa labas. Ang ilang produktong naproxen ay may lamang soda (asin). Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Ang gamot na ito ay maaaring magsanhi ng pagdurugo sa tiyan. Ang alebe ay maaaring magsanhi ng mga seryosong epekto sa tiyan o mga bituka, kasama ang pagdurugo o pagbubutas (pagporma ng butas). Ang mga kondisyong ito ay pwedeng nakamamatay at pwedeng mangyari ng walang babala habang ginagamit mo ang Aleve, lalo na sa mga nakatatandang adulto. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...