Eflornithine
Valeant Pharmaceuticals International | Eflornithine (Medication)
Desc:
Ang Eflornithine cream ay nagpapabagal ng pagtubo ng mga buhok. Hindi nito pinipigilan ang pagtubo. Maaari mo ipagpatuloy ang paggamit ng kasalukuyang paraan ng pagbunot o pagtanggal ng mga buhok (hal. pag-aahit, pagbubunot, pagpuputol) o paggagamot habang ginagamit ang eflornithine cream. Maaaring mangalilangan ng apat na linggo o higit pa bago mapansin ang buong resulta ng eflornithine cream. Dapat na iyong mapansin ang pagbabago (higit maikling panahon na gugugulin sa kasalukayang paraan ng pagtanggal ng buhok) sa loob ng 6 na buwan matapos gamitin ang eflornithine. Kung walang mapapansin na pagbabago, ang iyong doktor ay maaaring ipayo na itigil ang paggamit ng eflornithine. ...
Side Effect:
Ang Eflornithine topical ay maaaring magdulot ng pansamantalang pamumula, pamamantal, pagkapaso, pagkirot, o pangingilabot na pakiramdam, lalo na kung ito ay ipapahid sa nabiyak o iritableng balat. Kung ang iritasyon ay maramdaman, dalangan ang pagpapahid ng eflornithine topical sa isang beses sa isang araw. Kung ang iritasyon ay magpapatuloy, itigil ang paggamit ng eflornithine topical at tawagan agad ang iyong doktor. Nakakapaso, makirot o nakaka-kilabot na pakiramdam at pamumula ng balat ay maaaring maranasan. Sabihin sa iyong doktor ung ang mga nasabing mga epekto ay magpatuloy o maging malubha. Agad ipaalam sa iyong doktor kung ang mga sumusunod na na mga madalang na mga epekto ay iyong mararanasan: akne, hair bumps o folliculitis. Ang seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang, tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor bago gumamit ng gamot na ito kung ikaw ay mayroong alerdyi. Ang produktong ito ay maaaring maglaman ng mga di aktibong mga sangkap (tulad ng methylparaben) na maaaring maging sanhi ng reaksyong alerdyi o iba pang suliranin. Kausapin ang iyong parmasyutiko para sa iba pang mga detalye. Napakahalagang masuri ng iyong doktor ang iyong progreso sa regular na pagbisita. Ang Eflormithine ay maaaring magpababa ng bilang ng mga selula ng puting dugo o white blood cells na maaaring magpataas ng panganib ng impeksyon. Ito rin ay maaaring magpababa ng bilang ng mga platelet sa dugo na kinakailangan sa tamang pamumuo ng dugo. Kung ito ay maranasan, may mga pag-iingat na pamamaraan na maaaring gawin upang mapababa ang panganib ng impeksyon o pagdurugo. Agad isangguni sa iyong doktor kung iyong mapapansin ang kakaibang pagdurugo o pagsusugat; maitim na dumi; dugo sa ihi o dumi; mga mapupulang tuldok sa iyong balat. ...