Efudex

Valeant Pharmaceuticals International | Efudex (Medication)

Desc:

Ang Efudex/fluorouracil ay ginagamit sa balat upang bigyan lunas ang mga maaring magdulot ng kanser at mga nakaka-kanser na mga tumutubo sa balat. Ito ay nabibilang sa pangkat ng mga gamot na kilala sa tawag na anti-metabolites. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagharang sa paglaki ng mga hindi normal na mga selula na nagiging sanhi ng nasabing kondisyon sa balat. Gamiting ang gamot na ito ayon sa direksyon ng iyong doktor. Linising mabuti ang apektadong parte ng balat at patuyuin bago ipahid ang gamot. Maghintay ng 10 minuto at pagkatapos ay ipahid ang maliit na bahagi sa apektadong balat gamit ang tamang dami upang matakpan ng manipis ang apektado parte. Agad maghugas ng kamay matapos ipahid ang gamot kahit na kung ikaw man ay gumamit ng guwantes. Iwasan ang malagyan ang paligid ng iyong mata o talukap nito. Huwag din ipapahid ang gamot na ito sa loob ng iyong ilong o bibig. Hugasan ng mabuti ang mga nasabing parte ng katawan kung iyong malalagyan ng gamot. ...


Side Effect:

Maaaring makaranas sa parte na pinahidan ng gamot ng iritasyon sa balat, pagkapaso, pamumula, panunuyo, pagkirot, pamamaga, pananakit, o pagbabago ng kulay ng balat. Iritasyon sa mata (hal. pangingirot, pagtutubig), hirap sa pagtulog, pagkabugnutin, pansamantalang pagkalagas ng buhok, o hindi normal na panlasa ay maaari din na maranasan. Tawagan ang iyong doktor o parmasyutiko kung ang mga nasabing mga epekto ay manatili o maging malubha. Agad ipaalam sa iyong doktor kung ang mga sumusunod na mga epekto ay maransan: pananakit ng tiyan o sikmura, pagtatae na may kasamang dugo, pagsusuka, palatandaan ng impeksyon (hal. lagnat, panginginig, palagiang pamamaga ng lalamunan), madaling pagsusugat/pagdurugo, pagsusugat sa bibig. Agad humanap ng atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng mga sumusunod na sintomas ng malubhang reaksyong alerdyi tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng fluorouracil, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alerdyi o ng mga sumusunod na kondisyong medikal: mga tiyak na kakulangan sa enzyme (dihydropyrimidine dehydrogenase - DPD). Ang gamot na ito ay maaaring maging sanhi ng pagiging mas sensitibo sa sikat ng araw. Iwasan ang matagal na pagbilad sa sikat ng araw, mga pangungulting kubol, at malalakas na mga ilaw. Gumamit ng sunscreen at magsuot ng damit laban sa sikat ng araw habang nasa labas. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso nang walang pagsangguni sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».