Elase
Astellas Pharma | Elase (Medication)
Desc:
Ang Elase ay ang pagsasama ng fibrinolysin at desoxyribonuclease. Ito ay isang pamahid panlabas na ginagamit upang lunasan ang mga sugat at mga di malalang impeksyon kaugnay ng pagkapaso, ulcer, sugat mula sa operasyon, pagtuli o episiotomy. Ang gamot na ito ay mabisa upang mawala ang pagbabalat para sa tuluyang paggaling ng mga sugat. Ang gamot na ito ay para lamang sa panlabas na bahagi ng ari ng babae. Ipahid lamang sa malinis at tuyong bahagi ng balat ayon sa payo ng iyong doktor na naaayon sa iyong kundisyon. ...
Side Effect:
Ang Elase ay maaring mag-sanhi ng pagkakaroon ng pansamantalang pamumula, iritasyon, pangangati o pamamaga ng bahagi ng katawan. Kung patuloy na Kung ang mga nasabing epekto ay nagpapatuloy o lumalala, itigil ang paggamit at agad sumangguni sa iyong doktor. Kung ikaw ay makaranas ng mga sumusunod na masamang epekto o anumang kakaibang sintomas, agad humanap ng tulong medikal:pamamantal ng balat, hirap sa paghinga, kakaibang pagkakaroon ng pasa o gasgas at pagdurugo, panghihina. ...
Precaution:
Kung ikaw ay may alerdyi sa gamot na ito o sa iba pang uri ng gamot, sumangguni sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito. Sabihin sa iyong dokto kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot at kung ikaw may iba pang karamadaman o sakit. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...