Elestat

Allergan | Elestat (Medication)

Desc:

Ang Elestat/epinastine ay nabibilang sa pangkat ng mga gamot na tinatawag na “antihistamines”, at ginagamit upang mapigilan ang pangangati ng mata na nauugnay sa alerdyi. Gamitin ang gamot na ito sa parehong mata, dalawang beses sa isang araw; o ayon sa reseta ng iyong doktor. Sundan ang paalala na nakalagay sa tatak para sa takdang paggamit. Kung ikaw ay nagsusuot ng kontak lens, alisin muna ito bago gumamit ng gamot na ito at maghintay ng 10 minuto pagkatapos matuluan ng gamotbago isuot muli ang iyong kontak lens. ...


Side Effect:

Ang elestat ay nagiging sanhi ng mga sumusunod:nakakapasong pakiramdam sa mata, pangangati, iritasyon, pamumula, pananakit ng ulo at sintomas ng sipon. Kung ang mga ito ay mananatili at lumala, tawagan ang iyong doktor. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alerdyi o kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot o kung ikaw ay mayroong impeksyon dala ng bakterya, bayrus o punggal sa mata. Ang Elestat ay hindi pinapayuhang gamitin sa mga bata na na may edad na di hihigit sa 3 taon. Habang nagbubuntis at nagpapasuso, isangguni sa iyong doktor bago ito gamitin. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».