Elidel

Novartis | Elidel (Medication)

Desc:

Ang Elidel/pimecrolimus cream 1% ay isang gamot bilang karagdagang terapi na ginagamit sa panandalian at hindi tuloy-tuloy na paggagamot ng katamtamang atopic dermataytis sa mga non-immunocompromised na matatanda at batang may edad na 2 taon pataas, na hindi tumugon ng tama sa mga resetang topikal na paggagamot o kung ang mga nasabing paggagamot ay hindi ipinapayo. Ang tagapagbigay ng pangagalaga sa mga pasyente ay kailangang ipahid ng manipis ang Elidel/pimercrolimus cream 1% sa apektadong balat dalawang beses sa isang araw. Kung ang mga palatandaan at sintomas ay manatili ng higit sa 6 na linggo, ang mga pasyente ay kailangan na masuri ng mga tagapagbigay ng pangangalagang medikal upang matiyak ang dyagnosis ng atopic dermataytis.

...


Side Effect:

Ang pinaka-karaniwang epekto ay ang pagkakaroon ng mainit at nakakapasong pakiramdam sa lugar na nilagyan ng gamot. Pamumula, pangangati o iritasyon sa pinahidan ng gamot; impeksyon at pamamaga ng mga tinutubuan ng buhok (folliculitis) ay maaaring maranasan. Ang hindi karaniwang mga epekto ay maaaring din maranasan tulad ng: pamamaga ng lymph na gladula; impeksyon sa balat, halimbawa na ang impetigo, herpes, simplex, herpes zoster, molluscum contaiosum, kulugo, eczema herpeticum, boils (furuncles), pamamantal, kirot, panunusok gaya ng sa karayom, pamamaga, panunuyo, pagbabalat sa lugar na pinahidan ng gamot; paglubha ng sintomas ng eksema. Maaring maranasan ang mga madalang na mga epekto tulad ng pamumula ng balat, pamamantal, pagkapaso, pangangati o pamamaga matapos uminom ng alak; pagbabago ng kulay ng balat, hal. pagtaas o pagbaba ng pigmentasyon. Agad humanap ng madaliang atensyong medikal kung ikaw ay makararanas ng mga sintomas ng malubhang reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalamunan) matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Elidel, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong mga alerdyi o kanser sa balat o impeksyon sa balat (tulad ng herpes o bulutong tubig o chicken pox); Netherton's syndrome (isang genetikong sakit sa balat); mahinang immune system (dulot ng mga paggagamot sa kanser, HIV/AIDS o mga gamot gaya ng isteroyd); sakit sa bato; o pamamaga, pamumula, o iritasyon sa malaking bahagi ng balat. Kung ikaw ay magkaroon ng mga nasabing mga kondisyon, hindi maaaring gamitin ang Elidel o ikaw ay maaaring mangailangan ng pagbabago ng dosis o ispesyal na pagsusuri habang naggagamot. Ang Elidel ay maaaring magpababa ng selula ng dugo na tumutulong sa paglaban sa impeksyon. Ito ay maaaring magdulot na ikaw ay maging madaling magkasakit mula sa mga bayrus tulad ng bulutong tubig o herpes. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay nalapit sa mga sakit na ito. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito ng wala pagsangguni sa iyong doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».