Elmiron

Janssen Pharmaceutica | Elmiron (Medication)

Desc:

Ang elmiron/pentosan polysulfate ay ginagamit upang lunasan ang pananakit/kawalan ng ginhawa dulot ng sakit sa pantog (interstitial cystitis). Maaring maging mabisa sa pamamagitan ng pagbuo ng layer sa mga pader ng pantog at at pagtatanggol sa anumang sangkap sa ihi na maaring magdulot ng kapahamakan/iritasyon. Ito rin ay isang mahinang uri ng pagpapanipis ng dugo kaya’t ito ay maaring magdulot ng pagpapasa/pagdurugo (hal. pagdurugo ng ilong o gilagid). Ang pinapayong dosis para sa matanda ng Elmiron/pentosan polysulfate ay 100mg tatlong beses sa isang araw kasama ang tubig. Inumin ito isa o 2 oras pagkatapos kumain. Ang ibang tao ay maaaring mangailangan ng 6 hanggang 8 linggo ng paggagamot upang makamit ang lunas sa mga sintomas. ...


Side Effect:

Agad isangguni sa iyong doktor kung mayroong mararansan na mga sumusunod na epekto:pagdurugo ng gilagid, hirap sa paghinga, lagnat, pagdurugo ng ilong, pagdurugo ng puwet, pagpapasa o pamamantal ng balat, pamamaga ng lalamunan, kakaibang pagdurugo o pagpapasa, kakaibang pagkahapo o panghihina. ...


Precaution:

Ang elmiron ay maaaring magpataas ng panganib na magkaroon ng pagdurugo sa mga taong masasabing “high risk” o may mataas na peligro (hal. sila ay sumasailalim sa pagggagamot na nagpapataas ng panganib na magkaroon ng pagdurugo o mayroong kundisyong medikal gaya ng pagdurugo ng ulcer o diverticulitis. Ang gamot na ito ay hindi pinapayo na gamitin habang nagbubuntis. Walang kaalaman kung ang Elmiron/pentosan polysulfate ay napapasa sa gatas ng ina. Kung ikaw ay nagpapasuso ng ina at gumagamit ng gamot na ito, maaring maapektuhan ang iyong sanggol. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».