Eloxatin

Sanofi-Aventis | Eloxatin (Medication)

Desc:

Ang Eloxatin ay isang gamot base sa platinum na ginagamit na kombinasyon ng infusional 5-fluorouracil/leucovorin, na ginawa para sa: adjuvant na paggagamot sa Stage III na kanser sa kolon sa mga pasyente na dumaan sa kumpletong resection ng pangunahing tumor; paggagamot ng malubhang colorectal na kanser. ...


Side Effect:

Ang pinaka-karaniwang masamang reaksyon ay ang peripheral sensory neuropathy, neutropenia, thrombocytopenia, anemya, pagduduwal, pagtaas ng transaminases at alkaline phosphatase, pagtatae, emesis, pagkahapo at stomatitis. Ang ibang masamang reaksyon, tulad ng malubhang mga reaksyon ay naiulat. Ang higit na madalangna mga epekto tulad ng: hirap sa pagtatae; lagnat; pangkalahatang pananakit; pananakit ng ulo; pag-ubo; pansamantalang pagtaas sa pagsusuri ng dugo upang masukat ang lagay ng atay. Agad humanap ng atensyong medikal kung mararanasan ang anumang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi tulad ng pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago simulan ang paggagamot gamit ang Eloxatin, siguraduhig naipaalam sa iyong doktor ukol sa iyong mga ginagamit na mga gamot. Huwag gagamit ng aspirin o mga produktong naglalaman ng aspirin maliban kung ito ay nireseta ng iyong doktor. Huwag tatanggap ng anumang bakuna o iniksyon na walang pahintulot ng iyong doktor habang naggagamot ng Eloxatin. Ipaalam sa iyong propesyonal na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung ikaw ay nagbubuntis o maaaring magbuntis bago gumanit o simulan ang gamot na ito. Huwag magbubuntis habang gumagamit ng Eloxatin. Ang paggamit ng kontrasepsyon tulad ng kondom ay nirerekomenda. Huwag magpapasuso ng sanggol habang gumagamit ng Eloxatin. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».