Elspar
Merck & Co. | Elspar (Medication)
Desc:
Ang Elspar/asparaginase ay nabibilang sa pangkat ng mga gamot na tinatawag na enzymes. Ang gamot na ito ay ginagamit, may kasama o hindi, na mga gamot laban sa kanser (kemoterapi) upang mabigyan ng lunas ang tinatawag na acute lymphocytic leukemia. Ito ay humahadlang sa paglaki ng mga selula ng kanser at pinapabagal ang paglaki at pagkalat nito sa buong katawan. Ang Elspar ay iniiniksyon sa kalamnan o sa ilalim ng balat o sa ugat, ng isang propesyonal na tagapagbigay pangangalagang pangkalusugan sa isang ospital o opisinang medikal. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa gamutan. ...
Side Effect:
Maaaring maransan ang pangkaraniwang epekto ng gamot tulad ng pananakait o pamamaga sa lugar ng iniksyon, pagduduwal, pagsusuka, pamumulikat ng tiyan, pagkawala ng gana kumain, pananakit ng ulo, pagkawala ng lakas o enerhiya, pagkaantok. Kung ang mga ito ay patuloy na maranasan o maging malubha, tawagan ang iyong doktor. Ang mga higit na mapanganib na mga epekto ay nangangailangan ng madaliang pangangalagang medikal. Ito ay ang mga sumusunod: matinding pananakit ng tiyan na may kasamang pagduduwal o pagsusuka, pagbabago ng pag-iisip o ng saloobin, panginginig, paninigas ng kalamnan, pananakit ng mga kasukasuan, pamamaga ng mga kamay paa, o ibabang bahagi ng binti, paninilaw, kakaibang pagdurugo o pagkasugat, kakaibang pagka-uhaw, palagiang pag-ihi, pagbabago ng dami ng ihi. Humanag agad ng atensyong medikal kung iyong mararansan ang anumang sintomas ng malubhang reaksyon sa alerdyi tulad ng pamamantal, pangangati/pamamaa (laoo na ng mukha/dila/lalamunan) matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alerdyi o kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: pancreatitis o sakit sa atay. Sapagkat ang Elspar ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo o pagkaantok, huwag magmamaneho at gagamit ng mabibigat na makinarya hanggat hindi nakatitiyak na ligtas ipagpatuloy ang mga nasabing mga gawain. Lagyan ng hangganan ang pag-inom ng alak. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito sa mga taong nagbubuntis o nagpapasuso nang wala abiso ng iyong doktor. ...